Advertisers
ANG Pilipinas ay nanateli sa No.31 sa huling world rankings na inilabas ng FIBA pagkatapos ng Tokyo Olympics.
Hawak ang 322.8 points,Gilas Pilipinas ay nakakapit sa pang-anim na best-team sa Asia, sa likuran ng world No.3 at Olympian bronze medalist Australia (690.5) N0.22 Iran(43,8,3) No.25 New Zealand (369.3) No.28 China (347.0) at No 29 South Korea (336.0)
Ang Gils ay naging No.31 nang malaglag mula sa 30th noong 2019.
Ang bagong rankings ay sumasalamin sa nakaraang aktibidad ng Gilas kung saan sumabak sa final window ng FIBA Asia Cup Qualifiers at sa Olympic Qualifying Tournament.
Pinangunahan ng mga batang players ng PBA, winalis ng Gilas ang three games ng continental qualifiers sa Pampang,na ang dalawang panalo ay kontra South Korea at isa mula sa Indonesia.
Nabigo ang dalawang laban sa OQT na ginanap sa Belgrade, kontra Serbia at Dominican Republic.
Ang rankings ay hindi kasama ang nakaraang King Abdullah Cup sa Jordan na ang Gilas ay napuwesto sa fourth dahil hindi opisyal FIBA tournament.
Ang Gilas ay nakatakda sanang sumabak sa FIBA Asia Cup na magsisimula ngayon Linggo sa Jakarta, Indonesia. ay inurong sa susunod na taon dahil sa lumalalang COVID-19 cases sa naturang bansa.
Ang United States, na nagwagi ng Olympic gold medal ng apat na sunod-sunod na taon, ay nanateli sa No. 1 na may 765.2 points kasunod ang Spain 722.4.