Advertisers

Advertisers

Casimero napanatili ang titulo laban kay Rigondeaux

0 240

Advertisers

DINAIG ni Casimero ang Cuban veteran na si Guillermo Rigondeaux via split decision upang mapanateli ang kanyang WBO bantamweight belt, sa laban na kinaiinisan ng fans sa Dignity Health Sports Complex sa Carson, California kahapon.

Idineklara ng mga judges ang split decision pabor kay Casimero.

Ang score ng isang judge ay 115-113 para kay Rigo, habang 116-112 at 117-111 naman ang ibinigay ng dalawa pang judges para sa Pinoy.



Sa halos 12 rounds ay walang ginawa ang 40-anyos na Cuban boxer kundi tumakbo at umiwas sa 32-anyos na Pinoy champion.

Una nang nangako si Casimero na tatapusin niya ang laban sa loob ng tatlong rounds.



Pero halatang matindi ang frustrations ni Casimero dahil todo iwas ang ginawa ni Rigo na ikinainis ng husto ng mga nanood sa arena.

Dahil dito puro “booo” ang inabot ni Rigondeaux.



Sa isang bahagi ng 7th round sa labis na pagkadismaya ni Casimero ay tumayo na ito sa gitna ng lona upang hamunin si Rigondeau na harapin siya.

Samantala batay naman sa CompuBox score nabilang ang 47 punches ni Casimero na tumama, kumpara kay Rigo na 44.

Ang three division world champion na si Casimero ay nasa ilalim ng MP Promotions ni Sen. Manny Pacquiao.

Ang two time world champion naman na si Rigondeaux na dalawang beses ding nag-gold medal sa Olympics ay lumasap ng ikalawang talo sa kamay ng Pinoy champion na mula sa Ormoc City.