Advertisers

Advertisers

MAAYOS NA ‘HEALTH ACCESS’ SA MGA LIBLIB, TINUTUPAD NI BONG GO

0 408

Advertisers

PERSONAL na pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-135 at ika-36 Malasakit Center sa Basilan General Hospital (BGH) sa Isabela City, Basilan at sa Labuan General Hospital sa Zamboanga City, ayon sa pagkakasunod, patunay na tinutupad ng senador ang pangako ng Duterte administration na dadalhin ang maayos na access, dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan sa mga liblib na komunidad sa bansa.

Ang binuksang Malasakit Center ang kauna-unahan sa lalawigan ng Basilan at ikapito sa Bangsamoro Autonomous Region sa Muslim Mindanao, kasunod ng nasa Maguindanao Provincial Hospital at Cotabato Sanitarium sa Maguindanao; Sulu Provincial Hospital sa Jolo; Datu Halun Sakilan Memorial Hospital sa Tawi-Tawi; Pakpak Medical Center sa Marawi City at Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City.

“Kumpleto na po ang Malasakit Centers sa ZamBaSulTa. Mula sa araw na ito, may dalawa na sa Zamboanga City. Mayroon din sa Jolo at Tawi-Tawi na personal kong dinaluhan. Ngayon, nandito ako para itupad ang ipinangako ko kay Governor (Hadjiman Hataman-Salliman) at sa mga tao ng Basilan,” ang sabi ni Go.



Ang Isabela City ay bahagi ng Zamboanga Peninsula Region habang ang ibang island province ay nasa ilalim ng BARMM.

Matapos daluhan ang pang-135th Malasakit Center sa Basilan, personal din niyang sunod na binuksan ang ika-136 Malasakit Center sa Labuan General Hospital sa Zamboanga City. Namahagi rin siya rito ng ayuda sa local market vendors at transport workers.



Sa kanyang pagsasalita sa Basilan, binati ng senador ang mga opisyal at staff ng BGH sa inagurasyon ng bago nitong gusali. Pinuri niya ang dedikasyon ng mga nasa frontline habang nilalabanan ng bansa ang COVID-19 pandemic.

Ipinunto ni Go na sinisikap ng mga pampublikong ospital na gamutin ang mga low-income patients kaya umaasa siya na ang mga bagong Malasakit center ay lubos na makatutulong sa komunidad, partikular sa indigents at iba pa na walang kakayahang magbayad ng serbisyong medikal.



“Ito ang pinakaunang batas na isinulong ko nang naging senador ako nung 2019. Ang Malasakit Center ay para sa mga poor at indigent patients. Wala itong pinipili. Karapatan niyo bilang Pilipino ang maka-avail ng serbisyo nito,” ayon sa senador.

Ang Malasakit Center ay one-stop shop para mapabilis ang pagbibigay ng medical assistance ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na pinagsama-sama sa iisang bubong, gaya ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.

Pangunahing layon nito na kundi man mabawasan ay mailibre ang bayarin sa ospital ng mahihirap na pasyente. Si Go ang may akda at nag-isponsor nito sa Senado na kalauna’y naging Republic Act No. 11463, mas kilalang Malasakit Centers Act of 2019.

“Huwag kayong mag-alala. Magsabi lang kayo kung may kailangan kayo. Nandito kami ni Pangulong Rodrigo Duterte, handang makinig at tumulong. Sanay akong makipaglaban sa Senado… ‘di ako titigil na ipaglaban ang kapakanan niyo, lalung-lalo na ang mga mahihirap,” sabi ni Go.

“Hindi nila alam kung anong nangyayari dahil hindi naman sila bumababa sa mga mahihirap. Ako, alam ko ang mga problema. Ba’t hindi ko ipaglalaban ang mga ospital eh umaabot ng 400 percent ang occupancy rate! Paano gagaling ang mga pasyente kung ganyan ang sitwasyon? Ngayon na nasa pandemya tayo, we should invest more in our healthcare,” anang mambabatas.

Nangako siya na isusulong sa Senado na mai-upgrade o gawin ang BGH bilang isang medical center. Hiniling din niya sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na dagdagan ang vaccine supplies at iba pang tulong sa probinsiya ng Basilan para mapalakas ang COVID-19 response at prevention capabilities sa lalawigan.