Advertisers
UMABOT sa 16 umano’y mga miyembro ng New People’s Army ang nasawi matapos maka-engkwentro ang mga sundalo na kabilang sa Joint Task Force Storm sa bahagi ng Brgy. Osmeña Dolores Eastern Samar nitong Lunes, Agosto 16.
Sa inisyal na report ni 8th Infantry Division, Public Affairs Officer Army Captain Reynaldo Aragones Jr., nagsimula ang bakbakan ganap na 4:00 ng madaling-araw at natapos bandang alas-5:00 ng hapon.
Una na silang nakatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen kaugnay sa presensya ng mga rebelde na gumagawa ng bomba sa kanilang pinagtataguan na lugar.
Nabatid na bukod sa 16 na casualty nakuha rin sa lugar ng engkwentro ang 29 na matataas na kalibre ng baril.
Samantala patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga napaslang na rebelde. (Thony D. Arcenal)