Erpat ni Angel, 94 na kaya minamadali ang pagkakaroon ng apo; Bea may rason kaya ‘di agad mailantad ang relasyon kay Dominic
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA vlog ng couple na Angel Locsin at Neil Arce ay naikuwento nila na never naman daw nila malilimutan ang araw ng kasal nila noong July 26, 2021.
As in, nakapila sila sa elevator habang hawak ang boquet.
Hindi naman kasi puwede na marami ang sakay ng elevator kundi apat lang.
Dagdag tsika pa sa vlog ng mag-asawa ay ura-urada na nag-proposed nga si Neil l sa tatay ni Angel na si Angelo Colmenares.
Expect naman ng erpat ng aktres nito ay negosyo raw ang proposal na sasabihin ni Neil sa kanya.
Sumagot naman ang sissy ni Angel na ikakasal na nga raw ito sa fiance na si Neil.
Ninerbiyos pa nga si Neil kung ano ang isasagot ng tatay ni Angel at “good, good good,” ani pa ng ama ng aktres.
At dahil okey ang sagot, ‘di na umano nag-atubili pa si Neil kaya naganap ang kasalan sa Taguig.
Nagbigay naman ng magandang mensahe ang tatay ni Angel sa newly-wed couple.
At may isa naman itong wish, ang mabigyan na siya ng apo nina Angel at Neil.
94 years old na nga si Mang Angel kaya atat na itong magkaapo kay Angel.
***
NANDITO na nga at nakauwi na sina Bea Alonzo at Dominic Roque mula sa isang buwang bakasyon sa Amerika.
Dumaan sila sa 10 days na quarantine para sa health protocol.
Namasyal sina Bea at Dominic sa iba’t ibang lugar sa Tate.
Nanghihinayang naman na hindi nai-post ni Bea ang mga kuha nilang larawan dahil napakaganda nga raw ng lugar.
Dahil daw sa past relationship ni Bea ay maingat na ito ngayon.
Dahil kapag nangyari na naman ang dating pag-ibig kay Bea ay para na nga raw nakakahiya na paulit-ulit ang pagkakamali.
Waiting naman ang netizens na ipakilala na ni Bea si Doninic lalo na sa kanyang followers.
Well, well, well…’Yun na!