Advertisers

Advertisers

Daniel aminadong seloso, ayaw may makaparehang iba si Kathryn

0 270

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NINE years na ang loveteam ng KathNiel at sa mahabang panahong ito kabisado na ng magnobyo ang isa’t isa.

Ani Daniel Padilla,  kahit matagal na sila ni Kath, hindi pa rin daw sila nagkakasawaan.



“Sa work kami magkasama, after work kami pa rin magkasama. Yung beautiful dito is, I’m always excited to see Kathryn (Bernardo)… Kasi ano yan eh, eto ang tawag ko, I’m a ship, and she’s my anchor talaga,” aniya. “Siya yun – kaya ako steady kasi andiyan yung Kathryn para sa akin,” pahabol niya.

Nagbibigay din daw kasi sila ng espasyo na makasama ng bawat isa ang kanilang mga pamilya at mga kaibigan.



Naniniwala kasi silang kasama ng pag-grow nila as persons ang relasyon nila outside of their being magdyowa.

“Wag nating sakalin ang isa’t isa di ba. Lalo na sa industriya natin, like ako, di ba ako hindi ko maiiwasan in the future magkakaroon na naman siya ng ibang partner, ako magkakaroon ako. Yun yung mga sitwasyon na mahirap din sa isang relasyon dahil ako as a person siyempre, kung may choice ako papayag ba ako na may partner? Hindi noh! Siyempre di ba, ako lang ang pwedeng humawak sa kamay ng nobya ko,”ani DJ.



Aminado rin siyang pareho silang seloso ni Kathryn pero nasa lugar daw naman ang lahat.

“Seloso ako pero hindi ako nagseselos kay Kathryn kasi alam ko naman walang dating sa kanya yung mga lalaki. Pag ako nagselos, dun ako badtrip kung sino lumalapit sa kanya. Yun yung kakausapin ko, hindi yung: ‘Bal, layuan mo yang ano na yan,’ hindi ako ganun. I’ll talk to the guy. ‘Hey man, that’s too much,’” hirit niya.

Natanong din siya kung ano ang ginagawa nila para maging exciting at hindi boring ang kanilang relasyon.

“Simple lang. We just travel, travel na kaming dalawa lang,” dagdag ng aktor. “Pagnag-ta-travel kami before, iba yung ‘Oh my God kaya na nating dalawa!’ Growth pa rin nung relationship.”

Sey pa ni Daniel. “Now,  tinuturuan namin ang isa’t isa dahil malapit na eh. Ilang taon na rin naman na kami di ba. Sa future pagdating ng panahon siyempre magsasama na talaga kami. Hinahanda na rin namin yung mga sarili namin,” dugtong niya.

Sa ngayon daw,  pinag-uusapan na nila ni Kathryn ang paglagay sa tahimik.