Advertisers

Advertisers

Bgy. tanod magpapabakuna kontra Covid, patay sa ambush

0 344

Advertisers

SA kagustuhang makaligtas sa Covid-virus, magpapabakuna na sana ang isang barangay tanod pero hindi naman ito nakaligtas sa mga tingga nang pagbabarilin sa Pikit, Cotabato.

Kinilala ang nasawi na si Rasul Samad, 33 anyos, may asawa, miyembro ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT); habang sugatan ang kanyang kasama na si Michael Ibrahim, 24, binata; kapwa residente ng Barangay Inug-ug, Pikit.

Sa report ng Pikit Police Station, minamaneho ni Samad ang motorsiklo angkas si Ibrahim patungong bayan para magpabakuna laban sa Covid-19. Pagsapit nila sa Barangay Dalingaoen bigla silang tinambangan ng mga armadong lalaki. Tinamaan sa ulo at iba pang parte ng katawan si Samad, sanhi ng agaran niyang kamatayan; habang dinala naman sa ospital si Ibrahim dahil sa tama ng mga bala mula sa .45 kalibre na baril sa katawan.



Mabilis na tumakas ang mga salarin sa liblib na lugar ng nasabing bayan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">