Advertisers
ARESTADO ang isang guro at apat na iba pang nasa ‘most wanted person’ ng pulisya sa Caraga region nitong Lunes.
Sa report, hindi muna pinangalanan ang naarestong guro, 30, na nanggahasa sa isang dalagita sa Barangay Lapinigan, San Francisco, Agusan del Sur.
Ayon sa Caraga-PNP public information office, nagtuturo sa isang high school sa lugar ang nasabing suspek.
Sa inilabas na salaysay ng 17-anyos na biktima, nilasing siya ng titser at kalaunan ay ginahasa.
Buntis ngayon ang biktima.
Mahaharap sa kasong rape ang titser.