Advertisers

Advertisers

Isko, bumubuti na ang kalagayan, Honey lalabas na sa Huwebes

0 369

Advertisers

KAPWA bumubuti ang kalagayan nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna kung saan nakatakda nang lumabas ng pagamutan ang bise alkalde sa Huwebes.

Ito ay pahayag ni Dr. Grace Padilla, Direktor ng Sta. Ana Hospital kung saan ang dalawang pinakamataas na opisyal ng lungsod ay naka-confined. Nabatid na magkatapat lamang ang silid ng dalawa.

Sa pangalawang araw ng pamamalagi ni Moreno sa pagamutan ay sinabi ni Padilla na ang alkalde ay afebrile o walang lagnat, may stable na vital signs at kaunting ubo at sipon, gayunman nakakaranas pa rin ito ng pananakit ng katawan.



Napag-alaman pa na hindi kailangan ng alkalde ng oxygen at may normal chest CT scan, normal inflammatory markers, normal complete blood count at urinalysis.

Sa kaso naman ni Lacuna, sinabi ni Padilla na ito ay afebrile o walang lagnat, nakakumpleto na ng antibiotics at may normal markers na.



Nabatid pa kay Padilla na kinukumpleto na lamang ni Lacuna ang kanyang isolation at makakauwi na ito sa Huwebes.

Si Lacuna ay nagpositibo noong August 8 habang si Moreno naman ay nagpositibo makalipas ang isang linggo.Kapwa nakaranas ng parehong sintomas sina Moreno at Lacuna tulad ng pananakit ng ulo at ubo.



Samantala ay binigyang direktiba ni Moreno si city administrator Felix Espiritu na mag-follow sa mga tanggapan ng departments heads upang tiyakin ang walang patid na serbisyo ng lungsod at upang tumanggap ng mga donasyong dumarating para sa lungsod, hàbang siya ay nasa pagamutan.

Ayon kay Espiritu, ang pamamahagi ng ayuda mula sa national government at ang lahat ng tulong mula sa lokal na pamahalaan ay nagpapatuloy ng walang pagkakaantala gaya ng utos ng alkalde.

Sinabi pa ni Espiritu na kabilang dito ang tulong na regular na ibinibigay sa mga senior citizens, persons with disability (PWDs) solo parents at mag-aaral.

Inulat naman ni Manila Department of Social Welfare head Re Fugoso na sa loob ng anim na araw, ang pamahalaang lokal ay nakapamahagi na ng mahigit P842 million mula sa P1.5 billion na ayuda sa ilalim ng social amelioration program (SAP).

Sinabi ni Fugoso na ang nasabing halaga ay kumakatawan sa 44.70 porsyento ng kabuuang target na 380,000 pamilyang nasa listahan bilang mga beneficiaries.

Samantala ay sinabi ni Espiritu na ang free swab testing at drive-thru vaccination ay patuloy, gaya na rin nang pagtitiyak ni Moreno na lahat ng gawain ng pamahalaang lungsod ay magtutuloy at walang maaring makasagabal kahit pa may sakit siya.

Kapwa fully vaccinated na sina Moreno at Lacuna at patuloy na nagtatrabaho sa gitna ng pandemya. (ANDI GARCIA)