Advertisers

Advertisers

Covid vax clearance ng Pilipinas, tinanggihan ng Hong Kong

0 313

Advertisers

INSPIRASYON SA BUHAY: “…(Sinabi ni Jesus) `Ang bawat nakikinig sa aking Salita, at sumusunod sa mga ito, ay mga taong matalino, na maitutulad sa nagtayo ng bahay sa ibabaw ng bato’…” (Si Jesus, ang ating Diyos at Tagapagligtas na ating Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo, sa Mateo 7:24, Ang Tanging Daan Bibliya).

***

REPUTASYON NG PILIPINO SA PAGIGING TIWALI, DAHILAN NG PAGTANGGI NG HONG KONG SA MGA COVID VACCINATION CERTIFICATES MULA SA PILIPINAS: Ang reputasyon ng mga Pilipino, sa gobyerno o sa pribadong sektor man, bilang mga tiwali at mapagpalsipika sa maraming bagay ang lumilitaw na pangunahing dahilan ng pamahalaan ng Hong Kong sa pagtanggi nitong kilalanin ang mga vaccination cards na ipinapakita ng ating mga kababayang nagpupunta sa nasabing lugar.



Ayon sa mga pinanggagalingan ng mga balita sa Department of Foreign Affairs noong Agosto 12, 2021: “… the source raised concerns that there have been reports on the sale of fake vaccination records after local travel restrictions were eased for fully vaccinated individuals in the philippines…”

Sa ngayon, tila nag-iingat talaga ang Hong Kong sa mga Pilipino dahil itinuturing ng Hong Kong government na isang Covid 19 high risk ang Pilipinas. Kasabay nito, ipinahayag naman ni Thomas Chan Tung-Fung, ang chairman ng Kong Kong Union of Employment Agencies, na nag-aalala sila sa Hong Kong na maaaring mabingit sa alanganin ang katayuan ng mga mamamayan doon.



Malaki kasi ang posibilidad na mga palsikpikadong vaccination certificates ang ipi-prisinta ng mga taong nagpupunta sa kanilang lungsod, lalo na ang mga nanggagaling sa Pilipinas. Idinagdag ni Tung-Fung na hindi na nila pinagkakatiwalaan at hindi na din nila tinatanggap ang mga simpleng papeles na lamang, na nagsasabing kumpleto na ang bakuna ng mga papasok sa kanilang bayan.

***



BENTAHAN NG MGA PEKENG COVID VACCINATION CERTIFICATES SA PILIPINAS, INUPAKAN NG HONG KONG: Napakadali kasing gumawa ng mga papeles, at napakahirap suriin kung tunay ba o gawa-gawa lamang ang mga ito, dagdag pa ni Tung-Fung. Hindi man direktang inihayag ni Tung-Fung, bantog na kasi ang Pilipinas sa pagkakaroon nito ng mga taong may “golden hand”.

Ito yung mga taong may kakayahang gumawa ng kahit na anong dokumento, na kopyang-kopya ang mga tunay na papeles, lalo na isang lugar na tinatawag na “Recto Manila diploma mill.” Nakilala na din naman ang maraming mga Pilipino sa iba’t ibang katiwalian, lalo na sa pagiging dalubhang mandurukot, di na lamang sa Pilipinas, kundi pati na sa Hong Kong at sa iba pang mga lugar sa daigdig.

Nagkaroon na din ng panahon na pag ang isang Pilipino na ang pumapasok sa anumang tindahan sa abroad, todo-bantay na agad sa kaniya ang mga security ng mga tindahan, upang tiyakin na walang mananakaw ang nasabing Pilipino.

Nakakahiya ito, pero ito ay katotohanang hindi maitatatwa, dahil tunay namang napakarami na nating mga kababayan ang tila walang takot sa paggawa ng katiwalian upang kumita lamang, kahit na kokonti, lalo na ngayong marami ang nahihirapan dahil sa pandemya.

***

PHILIPPINE DFA, NGANGA, AT WALANG MAGAWA UPANG TULUNGAN ANG MGA PILIPINONG TINANGGIHANG MAKAPASOK SA HONG KONG: Samantala, sinabi naman ng isang mataas na opisyal ng Department of Foreign Affairs sa Pilipinas na makikipag-usap siya sa pinuno ng Hong Kong Administrative Region na si Carrie Lam Cheng Yuet-Ngor upang hanapan ng solusyon ang problemang dulot ng pagtanggi ng Hong Kong na kilalanin ang mga vaccination certificates mula sa Pilipinas.

Nauna ng sinabi ng DFA official na ito, sa isa niyang Tweet sa social media, na may problema ang Hong Kong sa pagkilala at pagtanggap ng mga vaccination cards mula sa Pilipinas, dahil hindi nanggagaling ang mga cards na ito sa iisang ahensiya lamang. “The key issue was about the reliability of the mechanisms in both countries for validating vaccination certificates and which authorities are verifying them,” dagdag din ng DFA official.

Lumilitaw na kumikilos na din ang hong kong upang magtatag ng sarili nitong verification centers, upang tiyaking tunay ang mga sertipikong nagmumula sa pilipinas. Ano ang pupuwedeng gawin ng mga pilipino upang maalis ang ganitong reputasyon at pananaw sa kanila ng ibang mga bansa at mga lahi?

***

PILIPNO, DAPAT MATUTONG BUMALIK SA DIYOS SA PAMAMAGITAN NG BIBLIYA: Lumilitaw na marami ang pupuwedeng gawin, pero, sa hanay ng mga nag-aaral ng kasaysayan, ang tunay at tapat na pagbabalik sa Diyos ng mga Pilipino ang pinakamahusay na solusyon upang maipakita nilang marami sa kanila ang nananatili ang karangalan bilang tao. At ito ang mabigat na isyu, dahil maraming Pilipino ang hindi nakakaunawa sa mga naisin ng Diyos para sa mabuting buhay ng lahat ng mga tao.

Marami kasi sa mga Pilipino, gaya ng maraming tao sa mundo, ang palsipikado ang pananampalataya, dahil, gaya ng sinasabi ng Bibliya, pananampalataya sa nguso, hindi sa puso, ang namamayani sa kanila. Ang ibig sabihin nito, bagamat sinasabi nilang nananampalataya sila sa Diyos, hindi naman sila totohanang tumutupad sa Kaniyang mga utos.

Ang katiwaliang ito ay bunga ng pag-ayaw ng mga tao, kasama na ang maraming Pilipino, na pag-aralan ang mga utos at tuntunin ng Diyos, at, matapos mapag-aralan ang mga ito, tuparin ang lahat ng mga utos at tuntuning ito.

Tanging sa pag-aaral ng salita ng Diyos araw-araw, at pagsunod sa mga utos na ito sa bawat sandali ng buhay, ang makakapagbigay ng pagbabago sa tao, na siya namang magbibigay sa kaniya ng pagpapala, paggabay, at proteksiyon mula sa langit. Sa ngayon kasi, walang unawa ang marami kung ano ang mga utos ng Diyos na dapat nilang aralin at sundin.

***

REAKSIYON? Tawag na: 0947 553 4855. Email: batasmauricio@yahoo.com. MANOOD, MAKINIG: Kakampi Mo Ang Batas, www.facebook.com/attybatas, www.facebook.com/radyopilipino, YouTube.com/kakampimoangbatas, Radyo Pilipino stations nationwide, at mga affiliated radio stations ng Kiss FM network, Sunrise News network, PowerNews Broadcasting Network, 95.5. J FM network.