Advertisers
NASA 582,500 AstraZeneca COVID-19 vaccine doses ang dumating sa Pilipinas nitong Biyernes ng umaga, Agosto 20.
Pasado 9:25 ng umaga dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang mga bakuna lulan ng isang China Airlines flight.
Ang mga bakunang ito ay binili ng private sector sa pamamagitan ng tripartite agreement sa national government.
Noong nakaraang linggo lang, 575,800 doses ng AstraZeneca COVID-19 jabs na binili ng private sector ang dumating din sa Pilipinas.
Sa kabuuan, aabot na sa mahigit 46 million COVID-19 vaccine doses ang natanggap ng bansa magmula noong Pebrero.
Mahigit 12.8 million indibidwal naman ang fully vaccinated na kontra COVID-19 hanggang noong Agosto 18, at halos 30 million doses naman ang naituturok na.
Inaasahan din ng bansa ang pagdating ng 749,200 pang Sinopharm COVID-19 vaccine doses na donasyon naman ng Chinese government.