Advertisers
Ni WALLY PERALTA
LAST year bago magkaroon ng health crisis sa bansa nang magpakasal sina Mikael Daez at Megan Young. Halos magdadalawang taon na rin naman silang mag-asawa.
Ilang araw pagtapos ng kasal ng dalawa ay natanong ang couple kung nasa stage na ba sila ng pagkakaroon ng anak. Saad naman ng mag-asawa ay mas gusto pa nila na silang dalawa na lang muna, as in namnamin ang mga moments na silang dalawa na muna ang magkapiling palagi.
Ano na kaya ngayon ang stand nina Megan at Mikael sa pagkakaroon ng anak, ganun pa rin kaya tulad ng last year?
“We felt it’s difficult to start a family at this time, so heto, ine-enjoy muna namin being a newly married couple and having our own vlog. Maybe sa 2022 na lang, when the health crisis is over at hindi na nakakatakot magpunta-punta sa hospital for checkups kung magbe-baby na,” say ng mag-asawa.
Kamakailan lang ay muling lumagda ng exclusive contract si Mikael sa Kapuso Network. Masaya si Mikael sa naging development ng kanyang karir sa pangangalaga ng Kapuso Network kaya excited siya sa susunod na chapter ng kanyang showbiz career bilang isang Kapuso muli. Sino naman kaya ang mga Kapuso leading ladies ang nais na makatambal ni Mikael maliban sa mga nauna na niyang naging leading ladies sa previous assignment?
“Megan says dapat, si Heart Evangelista since I haven’t worked with her yet, kaya lang may bagong show na siya. I’d also like to work again with Lovi Poe. But GMA has a lot of new and younger talents na very talented din and I’d also like to try working with them. Open naman ako to all kinds of possibility, so let’s see what the future holds for me in my new contract with GMA,” pahayag ni Mikael.
***
TILA ngayong pandemya, nauuso na naman ang mga pelikulang may temang kaseksihan. Halos kada linggo ay may pinalalabas na mga sexy movies online at tinatangkilik naman ito ng moviegoers.
Tulad na lang nitong huling sexy movie na ‘Taya’ nina AJ Raval at Sean de Guzman na kumita sa streamline.
Kapansin-pansin din na tila hinuhubog ng Viva Films ang loveteam nina AJ at Sean, kasi sa halos ilang pelikulang pinalabas kamakailan ay sila ang magkasama. Pagtapos kasi na mai-launch si AJ sa movie nila ni Diego Loyzaga, ang “A Death of A Girlfriend” ay si Sean ang laging kapareha ni AJ. At nagklik naman ang chemistry ng dalawa.
“Kami po kasing dalawa ni AJ, ano kami, e, as in close na talaga. Alam mo ’yong konti nalang me gano’n na, me something na, di ba? Hindi ko naman sinasabi na kami pero parang ganu’n ’yong level ng samahan namin. Parang wala talaga kaming ilangan sa isa’t isa. Kasi nakita ko na ’yong kay AJ, nakita na niya ’yong sa akin. So, wala nang ilangan talaga,” say ni Sean.
Paano naman kaya nila ginagawa ang kanilang maiinit na eksena na halos lumalabas na tila makatotohanan na nga?
“Sa Nerisa palang po nag-usap na kami na maging open kami sa isa’t isa. Sweet po kami on and off cam, wala pong wall. Para maganda po kalabasan no’ng eksena.
“Isa pa po, nakikita rin po namin ’yong mga sarili namin sa isa’t isa. Sa pagiging makulit, kalog, ganun.”
So, masasabi nilang dalawa na totally ay wala na silang ilangan sa isa’t isa, as in wala nang inhibition sa mga katawan nila
“Nagawa na po namin lahat, isa nalang po ’yong hindi namin nagagawa,” ani AJ.
“’Yong matuloy. Joke lang!” sabi naman ni Sean.