Advertisers

Advertisers

Marian inilantad ang sekreto ng sweet pa ring pagsasama kay Dingdong

0 315

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MATAGAL-tagal na ring hindi napapanood ng kanyang mga idolo si Marian Rivera-Dantes, hindi lang sa telebisyon kundi sa pelikula man. At dahil sa matagal na ngang walang handog na pelikula si Marian ay natanong ito kung sakaling gagawa muli siya ng movie, sino naman kaya ang napipisil niyang maging leading man para masabing pasabog sa kanyang mga fans.

Say ni Marian, feel daw niyang makagawa ng pelikula na ang leading man ay si Hyun Bin, ang South Korean actor na nagpakilig bilang si Captain Ri sa series na ‘Crash Landing On You’.



Ayon kay Marian, gusto niyang makasama pa rin ang mister na si Dingdong Dantes kung makakapareha niya si Hyun Bin sa isang project. Natatawang pag-amin ni Marian, gusto niya ay kontrabida si Dingdong sa kanila ni Hyun Bin.

“Pero ang pangarap ko love triangle ha? Nandun siya. Involved siya. Pero kontrabida ko siya. Leading man ko ‘yun, kontrabida siya,” pabirong sabi pa ni Marian.



Kapansin-pansin din ang tila habang tumatagal ang samahan bilang mag-asawa ay mas tumatatag ang kanilang relasyon at parang  laging bagong kasal ang dalawa sa sobrang sweet sa isa’t isa.

Ano naman kaya ang sekreto ng magandang pagsasama nila ni Dingdong?



“Malaking factor na sinasama namin ang Panginoon sa gitna namin at ‘yun ang nagpapatibay talaga sa relasyon namin at sa mga anak namin. Hindi nawawala ‘yung kilig kasi ewan ko. Marami kasing gimik din ‘to e. Parati akong pinapakilig e. So ako naman sa iba ko naman siya pinakikilig, sa ibang way. Magkaiba kaming dalawa,” dagdag na saad ni Marian.

***

MARAMING followers  ni Heart Evangelista ang muling nagulat sa pasabog na sosyal na lafang na pinost ng kanilang idolo, isang ginintuang halo-halo naman ngayon ang binida nito.

Ang halo-halo ay isang sikat na panghimagas ng mga Pinoy na binubuo ng yelo, saging na saba, nata de coco, langka, ube, beans, sago, gulaman, pinipig, leche flan, evaporated m𝔦lk at marami pang iba. Ang ikinaiba naman ng naturang ginintuang halo-halo ay may yelo ng g𝔬ld thin foil/g𝔬ld sheet na pwedeng kainin.

At narito ang ilan sa followers ni Heart at ang reaksyon nila sa bonggang halo-halo ng kanilang idolo.

Say ni @ssshhay95: “Grabe yung halo halo Mareng Heart pang Alta, h𝔞mpaslupa nga talaga ko.”

Komento ni @pearlykwin: “Di na ako magtaka sa susunod kanin na yan na may g𝔬ld.”

Sabi ni @raven_cailing: “Yung akala mo f𝔦nally may afford ka na na meron si heart.”

Sabi naman ni @jeric06: “Kung ako yan pag-iisipan ko kung kakainin ko o is𝔞sangla ko nalang magkakaper𝔞 pa ako.”

Kung matatandaan ay unang naging usap-usapan  noon ang mga p𝔦nost ni Heart na fried potatoes na isang piniritong patatas na may korteng ‘ch𝔞nel’ .

Sinundan naman ito ng isa pa ring pasosyal na pagkain, pizza na korteng ch𝔞nel din ang mga toppings nito.

Sa ngayon ay balik-bansa na si Heart matapos ang ilang linggo rin na pananatili sa Amerika, na bukod sa bakasyon ay tsikang nag-taping umano si Heart ng ilang episode para sa new season ng isang series na pinalalabas sa Netflix na may kaugnayan sa mga rich and famous crazy Asians.