Advertisers

Advertisers

SALN ni Duterte ayaw ilabas ng Ombudsman

0 558

Advertisers

TINABLA ng Office of the Ombudsman ang hirit ng mga abogado na maglabas ito ng kopya ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinumpirma ito ni Atty. Dino de Leon kasabay ng pagpapakita ng litrato ng dokumento ng naging tugon ng Ombudsman sa kanilang hiling ayon sa Ombudsman Memorandum Circular No. 1, Series of 2020.

Sa ilalim ng naturang kalatas, maaari lamang ibigay ang kopya ng SALN sa mismong may-ari nito o awtorisado niyang kinatawan, sa pamamagitan ng court order para sa nakabinbing kaso at request ng Field Investigation Office/Bureau/Unit ng Ombudsman para sa layunin na pagsasagawa ng fact-finding investigation.



Giit pa ni De Leon, malinaw sa batas na dapat accessible sa publiko ang SALN ng mga opisyal ng gobyerno.

“Bakit takot na takot sila na ipakita ang SALN ng Pangulo? Kung walang tinatago, wala dapat ikatakot. The law is very clear: the SALN of public officials should be accessible to the public,” dagdag pa ni De Leon. (Josephine Patricio)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">