Advertisers

Advertisers

Covid update: 12,751 bagong kaso; 20,151 gumaling; 174 nasawi

0 197

Advertisers

NAKAPAGTALA lamang ang Department of Health (DOH) ng 12,751 bagong kaso ng COVID-19 nitong Miyerkules, Setyembre 8.

Base sa case bulletin no. 543 ng DOH, dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umakyat na sa 2,134,005 ang naitatalang total COVID-19 cases sa bansa mula nang magsimula ang pandemya.

Sa kabuuang kaso, 7.1% pa o 151,135 pa ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman at maaari pang makahawa, kabilang dito ang 91.6% na mild, 3.7% na asymptomatic, 2.54% na moderate, 1.5% na severe at 0.7% na critical.



Mayroon din namang 20,151 bagong pasyente ang gumaling na sa karamdaman kaya nasa 1,948,198 na ang total COVID-19 recoveries sa bansa, o 91.3% ng total cases.

Samantala, mayroon pang 174 pasyente ang binawian ng buhay dahilan para umabot na sa 34,672 ang COVID-19 death toll sa bansa o 1.62% ng total cases.



Ayon sa DOH, mayroon pa ring 54 duplicates silang inalis mula sa total case count, kabilang dito ang 46 recoveries.

Mayroon ding 80 kaso ang unang tinukoy bilang recoveries ngunit malaunan ay natuklasang namatay na pala sa pinal na balidasyon. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">