Advertisers

Advertisers

Duterte nag-sorry sa taumbayan, paggamit ng face shield inamin na pagkakamali niya

0 312

Advertisers

NAG-SORRY si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kakulangan niya sa pagtugon sa covid pandemic sa bansa.

Sa kanyang taped address na inere nitong Huwebes ng umaga, sinabi ng Pangulo na tinupad niya ang kanyang tungkulin at ginawa ang lahat ng magagawa, at kung kulang pa rin ito ay humingi siya ng patawad sa taumbayan.

“Sabihin ko sa inyo, iyong oath of office ko, talagang tinupad ko. Kung sabihin ninyo [na] ako ang nagkulang, eh sorry. Ginawa ko ang lahat ko,”



“Kung ang lahat ko ay kulang pa, patawad po. ‘Yun lang talaga ang kaya ko,” ani Duterte.

Samantala, inamin din ng Pangulo na siya ang may gusto na ituloy ang paggamit ng face shield dala na rin ng matinding takot sa covid delta variant.



“Ako noon, sabi ko tanggalin na ninyo ‘yung face shield kasi binabasa ko naman ang ano, sa Amerika at lahat, wala namang face shield.” “Noong dumating itong variant na Delta, natakot ako. ‘Yun, mali ko ‘yun,” dagdag pa ng Pangulo.

Muling binanatan ni Duterte si Sen. Richard Gordon at iginiit na dapat i-audit ang Philippine Red Cross. Ito ay kahit pa nauna nang sinabi ni COA Chairman Michael Aguinaldo na wala silang kapangyarihan na i-audit ang naturang ahensya.



Umapela rin ang Pangulo sa mga health workers na unawain ang delay sa pagbabayad ng benepisyo at maghintay dahil naghahanap pa sila ng pondo.

Hindi naman naipaliwanag ng Pangulo ang desisyon na ibalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila sa kabila ng plano na ilagay na sa mas maluwag na General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region. (Jonah Mallari/Vanz Fernandez)