Advertisers
DISMAYADO ang mga Metro Manila Mayors dahil sa pabago-bagong desisyon ng Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Ito ay matapos bawiin ng IATF ang desisyon na manatili sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang buong National Capital Region hanggang Setyembre 15 at ipinagpaliban muna ang planong GCQ with alert level status o granular lockdown.
Ayon sa IATF, kaagad na ipatutupad ang granular lockdown sa sandaling mabuo na ang guidelines para dito.
Isa si Quezon City Mayor Joy Belmonte ang nagpahayag ng pagkadismaya dahil nakapag-meeting na umano sila bilang paghahanda sa GCQ.
Si San Juan City Mayor Francis Zamora naman ay nangako na susunod sa utos ng IATF subalit kinuwestyon ang alert level na ibabase sa bilang ng covid cases sa bawat LGU.
Aniya, dapat isang alert level lang ang ipatupad sa buong NCR.
Hindi rin umano dapat isama sa datos ang mga covid patients na nakatira sa labas ng Metro Manila subalit naka-admit sa mga pagamutan dito dahil kung isasama ito ay hindi na makaalis sa alert level ang isang LGU. (Jonah Mallari)