Advertisers

Advertisers

Suspek sa pagpatay sa lady journo timbog!

0 394

Advertisers

NADAKIP na ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang lalaki na responsable umano sa pagpatay sa dating editor ng Remate Express at Remate Online sa loob mismo ng pag-aari nitong Salon at Spa sa nasabing lungsod noong August 17, 2021.

Kinilala ang mga naaresto na sina Nilo Payag Anub, residente ng No. 601 Pacamara St., Brgy. Commonwealth, QC; at Richard Go Alaba, nakatira sa Building 22, Unit 2212 Pilot Drive, Brgy. Commonwealth, QC.

Magugunita na noong August 17, bandang 3:35 ng hapon nang pasukin ng isa sa mga salarin ang Gott Beauty Salon and Spa na matatagpuan sa No. 192 Kaingin Road, Barangay Apolonio Samson at binaril ng apat na beses ang journalist na si Gwenn Salamida na agad na namatay habang sugatan naman ang kinakasama nitong si Oliver Perona nang magtamo ng tama ng bala sa katawan.



Sa ulat ng La Loma Police Station (PS-1) ng Quezon City Police District (QCPD), 7:00 ng gabi (September 3), nang madakip ang mga salarin sa Sto. Niño St., Brgy. Commonwealth, Q.C.

Ayon kay PLt. Col. Tyrone DG Valenzona, ng PS-1, agad silang nagsagawa ng follow-up operations matapos ang pamamaslang kay Salamida at nirebyu ang mga CCTV footage malapit sa pinangyarihan ng krimen.



Lumalabas na nakita nila sa CCTV ang pagsundo ng Toyota Corolla na may plakang TSG 684 sa isang salarin sa harap ng Floor Center Muñoz Branch.

Nakunan muli sa CCTV ng Bake Shop sa Don Fabian St,. Brgy. Commonwealth ang pagdaan ng nabanggit na sasakyan.



Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang mga kapulisan sa lugar kung saan kanilang namataan ang sasakyan na bumabaybay sa Sto. Niño St., Brgy. Commonwealth, kaya hinarang at pinahinto ito ng mga pulis.

Nagtangka pa umanong tumakas ng mga salarin pero agad na naharangan ng alertong mga pulis ang daanan at naaresto ang dalawa.

Nasamsam sa mga salarin ang isang caliber .38, isang granada, dalawang piraso ng bala ng M203 at ang sasakyan.

Samantala, palaisipan naman sa mga mamamahayag ang tila pagtago sa kanila ng naturang report at ngayon lamang inilabas.

Samantala, pinasasalamatan ng pamunuan ng National Press Club sa ilalim ni President Paul Gutierrez ang pagkakakaaresto ng pulisya sa mga suspek sa pagpaslang kay Salamida.