Advertisers

Advertisers

Riding in tandem todas sa checkpoint

0 423

Advertisers

Patay ang 2 magkaangkas sa motorsiklo nang makipagbarilan sa checkpoint sa Jose Panganiban, Camarines Norte Sabado ng madaling araw, Setyembre 25, 2021.

Kinilala ang mga nasawi na sina Paciano Bandola, 31, residente ng Pili, Camarines Sir; at Reynaldo Bandola, 43 ng Quezon City.

Sa ulat ng Bicol police, imbes na huminto sa checkpoint, biglang humarurot ang mga lalaki sakay ng motorsiklo at pinaputukan ang mga pulis.



Pero gumanti ng putok ang mga pulis, na ikinamatay ng dalawa.

Nakumpiska sa mga nasawi ang isang baril, sub-machine gun, mga bala, at mga sachet ng shabu na nagkakahalagang P576,000.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">