Advertisers

Advertisers

Kris gumanda ang wedding gown sa tagal ng paggawa; Aiko binaklas ang tarpaulin, galit sa supporters ni Cong. Vargas

0 322

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

KAHIT nga pandemic ay dream come true para kay Kris Bernal na maisakatuparan ang kanyang pangarap na maikasal sa lalaking mahal na si Perry Choi.

Ilang beses naman din naudlot ang nakatakdang petsa para sa kasalan nina Kris at Perry.



At dahil sa killer virus ay  urong sulong ang petsa nito. Finally this month of September ay naisakatuparan na ang kasal na matagal na inaasamng couple.

Kapansin-pansin ang pagkaganda-ganda na  gown ni Kris na nagmukha nga raw Prinsesa at napagkamalan pang si Ariana Grande.



Sa post naman sa IG ni Kris, sinabi nito na sulit naman ang paghihintay sa petsa ng  kasal nila ni Perry.

Pagtatapat ng aktres kaya siguro gumanda ang kanyang gown ay dahil sa tagal ng paggawa.



Mag isang taon din ginawa ang wedding gown ni Kris kaya resulta ng matapos ay bonggacious!

***

SINO ba naman ang ‘di magpupuyos sa galit na  lahat ng tarpaulin ni Aiko Melendez ay nabaklas.

Sa nasabing tarpaulin ay wala naman nakalagay kung ano ang posisyon na tatakbuhin ni Aiko.

Nakalagay lang naman sa tarp ni Aiko, ‘Keep safe’ at nakalagay ang 5th District ng Quezon City ay ito naman ay may kaugnayan sa  Covid-19.

Kaya maloka-loka si Aiko sa pagbaklas ng kanyang tarpaulin.

Sa vlog ay sinabi nito na ‘di naman sila magkakaaway. Naisip tuloy ng kampo ni Aiko na ang mga bataan o lider ni Cong. Alfred Vargas na taga-District 5 din ang may kagagawan daw nito.

Sabi nga ng netizens na kahit tadtarin ni Aiko ng kanyang pagmumukha ang ika-limang distrito sa Kyusi kung ayaw ito iboto ay di ito iboboto.

Threat nga marahil si Aiko na ‘di pa malaman kung pagka-Konsehal or Congresswoman ang tatakbuhin.

Pinakiusapan na lang nito si Alfred na pareho naman silang nasa showbiz na pagsabihan ang kanilang mga lider na huwag naman daw ganun na magbabaklas na lang agad-agad ng tarp at ‘di naman sila magkakaaway.