Advertisers

Advertisers

Mariel proud na ipinakita ang koleksyon ng baril; Claire happy sa epektibong pagganap sa serye

0 264

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NATUTUWA si Claire Castro sa mga negative feedback sa pagganap niya bilang obsessed  sister  sa seryeng Nagbabagang Luha dahil nangangahulugan daw ito na effective ang pagganap niya bilang si Cielo.

“It`s  hard  to  play my  character  kasi ang dami pong  angry  outburst  pero  ang dami  ko rin pong natutunan. I started  out  playing yung  mga best friend role  ganyan,  tapos  yung lines ko po mga tatlong piraso lang tapos yung mga eksena ko po three scenes  a  day. From that  to like  22 scenes, nag-jump po talaga sa sobrang laki  pong  learning experience  yung pagganap  na Cielo,” say pa ni Claire.



Nang mabasa naman ni Claire ang ilang tweet ng netizens tungkol sa character niya na si  Cielo  ay natuwa ito dahil mas marami raw ang positive kaysa negative.

“Actually, yung negative  tweets is directed  to my character, Cielo. Wala naman pong  negative  about  my performance na ikinatutuwa ko po. Pero ang itunuro po sa amin sa workshop, kailangan  intindihin namin  yung character,  saan siya nanggagaling, bakit siya  ganoon. Marami po kasing layers  yun e so kahit papano kailangan ko pong unawain kung saan siya  nanggagaling kahit  gano`n  siya.”



Ngayon pa lang ay marami na ang nagsasabi na magiging big star at  asset ng GMA 7 ang isang Claire Castro na ang ama ay ang actor-turned-newscaster na si Diego Castro.

***



SA bagong vlog ni Mariel Rodriguez-Padilla  na may titulong Babae at Baril (My Gun Collection) ay kanyang inilantad ang pag-aaring mga baril. “Mga” baril ay nangangahulugan na hindi lang isa kundi marami.

“Who  would`ve  thought, right?  I  know  ang mga na-share  ko before are my  collection of bags,  headbands, pati tableware, but, I`m  really excited  to show you all a part of me na hindi  niyo pa nakikita – my guns!

“It  all  started  nung  niregaluhan   ako ni Robin Padilla  with my first  gun and now look where we  are.  Anu-ano  mga  collection niyo?” pahayag ni Mariel sa kanyang video.

Kuwento pa ni Mariel na una raw siyang binilhan ng baril ni Robin noong 2011 or  2012  ng hand gun na makikita rin sa video. Natural lang daw na ikinagulat niya dahil hindi naman siya shooter.

Ang lalong ikinagulat daw ni Mariel ay nang malaman na may baril ang kanyang biyenang si Mommy Eva Carino-Padilla, ang  nanay ni Robin.

“I  remember, I`ll  never  forget  it. One of  the first  few times   that  I met  my mother-in-law,  she said, ‘Robin, yung  shotgun ko parang kailangan nang lagyan ng langis?  I  was shocked  to the core!  Bago pa lang  ako  no`n  sa pamilya nila. Eto na tayo ngayon, may koleksyon na rin ako,’” pagtatapat pa niya.

Isa-isang ipinakita ni Mariel ang mga baril  na may detailed  explanation. Inamin din niya na si Robin ang nagturo sa kanya kung paano humawak at magpaputok. Takot na takot nga raw siya noong una.

“Ten years after, takot pa rin ako, okay. I  still  get scared,” aniya.

Paglilinaw din ni Mariel na lahat ng kanyang baril ay may  permit  at mayroon din daw siyang lisensya na kanya ring ipinakita.

Kuwento pa ni Marilel na unang nakita niyang may dalang baril si Robin ay noong panahong nagho-host pa siya sa Wowowee na show nila ni Willie Revillame sa ABS-CBN.

“Ihahatid  niya ako sa Wowowee, ito yung isinasaksak niya  du`n  sa  ilalim ng upuan niya  na noong una  na-shock-shock  pa  ako. Sabi ko, “oh  my Gosh, ihahatid lang ako  sa work, bakit tayo may  gun?  Hindi pa ako masyado  no`n  sanay,  bago pa lang ako sa Padilla (family) hindi pa ako masyadong  goons. Ngayon, goon na `to!” say pa ni Mariel.