Advertisers

Advertisers

Carla inamin, nahirapan pagsabayin ang showbiz at preparasyon sa kasal

0 274

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

HABANG naka-lock in taping si Carla Abellana sa To Have And To Hold ay sabay rin na inaasikaso nila ni Tom Rodriguez ang preparasyon para sa kanilang kasal sa Oktubre.

Aminado si Carla na mahirap iyong pagsabayin.



“Mahirap po siyang ipagsabay pero kailangan pong gawin. When we announced our engagement last March akala po namin e matututukan talaga namin yung wedding planning pero yun nga po, talagang andaming medyo nasagasaan po in terms of schedule which is okay naman po kasi maaga-aga pa naman by that time.

“Thankfully dahil din po pandemic e karamihan po ng meetings talagang via Zoom ngayon po or oline so everything’s virtual.



“So kaya naman po. There are some things na hindi po talaga kayang gawin while being at lock in pero mostly kinaya naman pong ipagsabay.

“Ang ginagawa ko po is in between scenes or kapag po lunch break or kapag dinner break dun po ako nagsisingit ng mga wedding planning whether it’s a meeting with our coordinator or ina-update ko po yung, let’s say yung suppliers or guest list.



“So kaya naman po and time management lang.”

Nakausap namin si Carla sa Zoom mediacon ng To Have And To Hold nitong Martes, September 21.

Kasama ni Carla sa serye sina Max Collins bilang Dominique Ramirez at Rocco Nacino bilang Gavin Ramirez.

Sa direksyon ni Don Michael Perez at mapapanood na simula sa Lunes, September 27,  sa GMA Telebabad, kasama rin sa To Have And To Hold sina Luis Hontiveros bilang Daryl, Athena Madrid bilang Grace, Valeen Montenegro bilang Sofia, Gilleth Sandico bilang Vicky, Roi Vinzon bilang Giovanni, Bing Pimentel bilang Millet at Ina Feleo bilang Quel.

May special participation si Rafael Rosell bilang Tony Gatchalian.

***

SA Kapuso series na “Las Hermanas,” gaganap na middle child si Thea Tolentino na hindi na masyadong napapansin at napakikinggan sa pamilya. Kaya naman may payo siya sa mga middle child sa totoong buhay.

“Usually kahit sa totoong buhay ang mga middle child, hindi sila usually ‘yung napapakinggan ng mga magulang. Ang focus madalas ng mga magulang is nasa panganay or nasa bunso,” paliwanag ni Thea sa panayam sa kanya sa GMA Regional TV Early Edition.

Panganay si Thea sa totoong buhay, pero naobserbahan niya ang ugali ng kapatid niya na middle child.

“Napansin ko rin talaga na madalas sa kanila ang kinikimkim ang emosyon,” saad niya.

Payo ni Thea: “Ang advice ko is huwag hayaan ang sarili na ipunin lahat kasi aabot din sa point na sasabog kayo and kayo rin ‘yung masasaktan. Kaya mas okay din talaga na makahanap ka ng outlet, or unti-unti na maging open kahit sa family kahit mahirap.”

“Kasi ‘pag nag-assume tayo tapos nagiging malala siya… pero ‘pag in-open pala natin, mari-realize natin na, hindi pala ganu’n kalala ‘yung sitwasyon. Sana in-open ko na dati pa. So less regrets din kapag vocal tayo,” ayon pa kay Thea.

Gaganap si Thea bilang si Minnie Manansala, ikalawa sa tatlong magkakapatid na Manansala sa  “Las Hermanas.”

Panganay si Dorothy, na gagampanan ni Yasmien Kurdi, samantalang ang bunsong si Scarlet ay gagampanan ni Faith da Silva.