Advertisers

Advertisers

Tom pinilit lang ng utol, ‘di pinangarap maging artista

0 272

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA isang panayam ng kaibigang si Jush Andawitt na nakabase sa Amerika,  inalala ni Tom Rodriguez ang kanyang humble beginnings bago pa siya makilala sa showbiz.

Noong bata pa raw siya, sakit ng ulo raw siya ng kanyang ina at mga titser dahil sa pagiging pasaway habang lumalaki sa hometown nila sa Samar.



Nabago lang daw ang lahat nang mag-migrate siya sa Arizona, Iowa sa Estados Unidos noong 12 years siya kasama ang kanyang mga kapatid.

Namulat daw siya sa disiplina nang tumira siya sa piling ng kanyang Kanong amang si William Mott.



Probinsya lang daw ang vibe ng lugar nila sa Tate kaya simple lang ang naging buhay nila roon.

Doon din daw siya natutong mamuhay sa farm tulad ng isang cowboy like his father.



Sa school daw ay madalas na nabu-bully siya lalo pa’t uso sa Amerika ang racism.

Aniya, ni sa hinagap daw niya ay wala talaga siyang hilig sa pag-aartista.

Katunayan, it was her sister daw na nagpursigeng makapasok siya sa showbiz.

Ito raw ang nagpa-audition sa kanya sa musical na “Aladdin.”

Wala nga raw siyang pormal na training pagdating sa pag-awit.

Ang kapatid din daw niyang babae ang gumawa ng paraan para makapasok siya sa PBB.

After PBB,  ipinaglaban daw siya ni Atty. Joji Alonzo para mapasama sa hit comedy na “Here Comes the Bride ” and the rest is history.

Memorable naman sa kanya ang seryeng Be Careful with my Heart na nakapareha niya si Ice Esguerra.

Nang lumipat daw siya sa GMA -7, he did not burn bridges dahil maayos daw naman siyang nagpaalam sa Star Magic.

Ironic din daw na iyong last taping day niya sa BCWMH ay first shooting day naman niya ng My Husband’s Lover sa Kapuso network na nakilala ang tambalan nilang TomDen ni Dennis Trillo.

Dito rin daw nagsimula ang romansa nila ng fiancee na si Carla Abellana na namukadkad naman noong ginawa nila ang seryeng My Destiny noong 2014.