Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SUPER happy si Gabbi Garcia sa muli niyang pagpirma ng exclusive contract sa kanyang mother studio na Kapuso Network.
Sa GMA nagsimula ang kanyang showbiz career at halos 8 taon na rin naman ang nakararaan. Unang naging teleserye ni Gabbi ang “My Destiny,” hanggang sa mabigyan siya ng break bilang si Sang’gre Alena sa “Encantadia.”
“I’m just so grateful. GMA has been my second family for almost eight years. I literally grew up with GMA behind my back, beside me, in everything,” sabi ni Gabbi.
Sabi, another contract, another opportunity to do things na nais niyang gawin at masubukan para may bagong ipakikita sa kanyang followers. Ano naman kaya ang dream role na gustong gawin ngayon ni Gabbi bukod pa sa mga nagawa na niya 8 years ago?
“When it comes to dream roles, I want to do more action and also, one of my biggest dream roles is starring in a girl love scene. I want to challenge myself, I want to explore that side of myself and of my career. I want to be challenged as an actress,” say pa rin ni Gabbi.
Dahil nakilala sa tweetum roles si Gabbi, dumating kaya sa punto na gumawa siya ng sexy projects with daring love scenes?
“Siguro, as of now, I’m still stretching my opportunities. I’m still trying to reserve that part when I grow older pa, para meron pa tayong bala when I get older. Siguro more mature roles, but daring roles I would reserve for the future years pa. Excited ako sa kung ano man ang in store for me,” dagdag pang say ni Gabbi.
Sa ngayon ay bisi-bisihan si Gabbi sa kanyang mga TV guesting at sa regular Sunday show niya na “All Out Sundays”. At pagdating naman sa nahintong serye nila ng real sweetheart na si Khalil Ramos na “Love You Stranger” ay balitang malapit na ulit itong magbalik sa tapings.
***
MARAMI ang nakapupuna na tila paseksi nang paseksi si Faith da Silva. Marami ang nakapapansin din na habang tumatagal ay nagkakaroon sila ng resemblance ni Miss 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.
Sa mga nakakakilala kay Faith ay mataba raw ito noong teenager palang ito at hindi nila akalain na magiging sexy pala ito pagdating ng araw. Say naman ni Faith goal talaga niya ang magkaroon ng sexy body kaya ginawa niya ang nararapat para sumeksi ang kanyang katawan.
Exercise and diet lang daw ang kanyang secret kung bakit gumanda ang kanyang katawan.
Hindi rin ikinaila ni Faith na isa sa goal niya ngayon bukod sa kanyang showbiz career ay ang sumali sa isang beauty contest. Kumukuha lang daw siya ng perfect timing kung kailan sasali.
May tsikang kaya raw pursigidong magpaseksi nang husto si Faith ay dahil sa rumored na boypren niya ngayon na si Albert Martinez na kasama niya sa bagong serye ng GMA-7 na “Las Hermanas”?
Ayon naman kay Faith, kakaiba ang relasyon nila ngayon ni Albert. Andun daw lagi ang actor para suportahan at i-guide si Faith sa kanyang karir. Bukod pa raw sa sobrang maalalahanin at gentleman ng aktor.
May chance kayang mainlab si Faith sa isang lalakeng hamak na may edad kaysa kanya? Say ni Faith, wala raw sa kanya ang edad ng lalake as long as totoong mahal niya ito at higit sa lahat ay wala silang matatapakang ibang tao kung sakaling magkaroon siya ng karelasyon na mas matanda sa kanya.