Advertisers

Advertisers

Mga pambu-bully sa iskul Andrea tinawag na higad, pandak, bungi at demon

0 225

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

PAGLILINAW ni Andrea Brillante, hindi raw siya  retokada taliwas sa mga iniisip sa kanya ng ibang tao.

Isa-isang sinagot  ni  Andrea  ang mga maling akala sa kanyang latest  vlog  titled  Reading  Your Assumptions About Me at isa na nga rito ang pagiging retokada.



“Hindi po ako retokada,” natatawang say niya, “pero  thanks for  thinking  that, ibig sabihin may  maganda sa mukha ko para maisip n`yo  na  retokada  ako.”

Sabi nga niya nang ipakita ang kanyang baby picture, “kung iisipin n`yo  na  peke  yung  ilong  ko kasi  tumubo lang `tong bridge ko nu`ng  Kadenang Ginto kasi manas na manas  yung mukha ko don ta`s  du`n ako nagsimulang  pumayat.”



Sabi pa ni Andrea, nagma-mature  raw talaga ang mukha ng isang tao.

“At  saka ang ilong  ang laging  hindi tumitigil na lumaki  sa mukha ng isang tao,” paliwanag  pa ni Andrea.



Nilinaw din niya ang assumption sa kanya na isang mean girl sa kanilang school  katulad ng character niya sa Kadenang Ginto.

“Ako actually ang sobrang loser  sa school,  pramis. Baka kasi akala  n`yo sobrang totoo  ng  pagka-Marga ko,  akala  n`yo  ganon. Actually, hindi. Ako `yong sinasampal sa school. Pramis, totoo, sinampal ako sa school  dati,” kuwento pa ni Andrea.

Siya nga raw ang  nabu-bully sa school  at  kung tawagin siya sa school  ay  higad  dahil  sa makapal  niyang kilay,  pandak, bungi  at  demon dahil sa kanyang ngipin.

“Wala akong friends, as in pagpasok ko pa lang sa school, nursery  pa lang, wala akong friends. Hindi nila ako sinasali sa laro nila, lagi lang akong nasa corner. Ako yong ganong bata dati,” pag-amin pa niya.

Naging emosyonal si Andrea nang sagutin ang maling akala na lumaki siyang mayaman. Ang totoo raw  laking  slums  siya at sobrang  hirap ang pinagdaanan nila noon, kung saan dumating pa sila sa puntong walang makain.

Kaya naman hindi kataka-taka kung bakit sobrang biyaya ang natatanggap ngayon ni Andrea, ang batang inaapi-api noon ay isa nang maganda at may mabuting kalooban.

***

Beauty queen Maggie Wilson hiwalay na sa mister

Inihayag ng dating beauty queen na si Maggie Wilson sa kanyang Instagram page na hiwalay na sila ng kanyang businessman husband na si Victor Consunji.

“We  want  you to hear  it  from  us directly,” bungad na post ni Maggie.

“Vic and I  have made  the difficult  decision  a  while  back   to separate, it`s  been  challenging  to  say  the least,  but  we want you  to  know  that  there  is  no  animosity  between  us,” patuloy pa niya.

Ayon pa kay Maggie, kahit  hiwalay na sila ay nananatili pa rin silang magkaibigan at nandoon pa rin ang suporta`t  pagmamahal  nila sa  isa`t isa  lalo  pa nga mayroon silang anak.

“We  will  always  love  and support  each  other  no  matter  what. We will always  be  family as we share  our  beautiful  son, Connor together. We have remained  really  good  friends and  partners and  will continue to do so,”  aniya.

Hangad  daw nila ang kaligayahan ng  isa`t isa  at  sana  ay maunawaan  sila  ng  publiko.

“Both  of  us  want  nothing  more than  for  each other  to  be happy. We`d  like  to  ask  for  your   kindness, understanding, love  and support as  we  navigate  the new  chapter  in  our  lives,” pagtatapos ni Binibining Pilipinas World 200.

Matatandaang ikinasal sina Maggie at Victor  year  2010  at pagkalipas ng dalawang taon ay biniyayaan sila ng anak na si Connor.