Advertisers

Advertisers

Tatapatan si Kim sa ‘It’s Showtime’… Maja mag-oober da bakod na rin sa EB at sa Siyete

0 304

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

MALAKAS na ang bulung-bulungan na sa ngayon palang ay tila pinaghahandaan na ng kampo ni Maja Salvador ang nalalapit niyang pagpasok bilang isang dabarkads ng “Eat Bulaga”.

Tsikang hindi raw guest co-host si Maja sa naturang noontime show tulad na lang ng ginawang paggu-guest co-host nina MJ Lastimosa, Kakai Bautista at Gabbi Garcia, kundi siya ay isang host o judge sa bagong dance competition na ipalalabas sa EB at pinamagatan nila itong ‘Maximum Sayawan’ na inisyal nga sa pangalan ni Maja Salvador.



Ngayon palang ay tila binubuhay ang dance rivalry  nina Maja at Kim Chiu, na kapwa magaling at hataw sumayaw. Lagi nga silang may dance showdown sa “ASAP Natin ‘To” noong may channel 2 pa.

Ngayon ay magtatapat na ang kanilang programa, si Kim sa “Its Showtime” at si Maja naman sa “Eat Bulaga” kaya ang fans ay ligalig na sa tapatan na ito ng dalawa.



“Next level ng career for Maja!! Alam mo iba level ng kasikatan pag Nag-EB ka, paano si Kim sa kabila? Mas lalong makukumpara, sabagay pareho lang naman ng level sa pagka-sabaw.”

“Si Kim ang sabaw. Actually, sya pinaka-sabaw sa lahat ng celebrities. Tagalog na nga sinasabi wala pa rin sense.”



Ilan lang sa komento ng mga netizen.

But wait, true kaya ito na ang pagiging isang dabarkads ni Maja ay segue lang sa pagiging Kapuso na niya? Tsikang tinatapos lang daw ni Maja ang kanyang kontrata sa TV 5 kasabay umano ng pagtatapos ng kanyang seryeng “Nino Nina” at magiging isang Kapuso na raw ito.

Isa raw sa  proyektong gagawin ni Maja ay ang pagsabak bilang isa sa leading lady ni Bong Revilla Jr sa “Agimat Ng Agila” kasama rin si Rabiya Mateo pero hindi mawawala sa eksena si Sanya Lopez?

Nauna na nga raw muna ang kanyang talent na si John Lloyd Cruz at kasunod na siya sa magiging Kapuso since hindi na rin siya makababalik sa ngayon sa Kapamilya Network.

***

MUKHANG may pahiwatig na ang magaling na aktres na si Jaclyn Jose sa kung saan niya gustong manatili sakali man dumating ang panahon na magretiro na siya sa showbiz.

Sa isang post kasi ng anak niyang si Andi Eigenmann, nilagay nito ang larawan ng kanyang pamilya na magkakasama sa kanilang tahanan sa bayan ng Siargao.  At nalagyan  pa ito ni  Andi ng caption na ‘masarap na buhay’.

Di naman pinalagpas ni Jaclyn ang naturang post at nagkomento siya at nagtanong kung  puwede ba siyang sumama sa masayang pamilya ng anak.

Sinagot naman ito ni Andi at nagsabing pumunta na raw ang ina sa kanila sa Siargao

Sa puntong ito ay hindi na sinagot pa ni Jaclyn ang anak at kung ano man ang balak niya ay bukod tanging ang aktres ang nakakaalam. Say nga ng mga netizen sa post ni Andi,  nakikita marahil ng ina kung gaano katahimik at kasaya ang kanyang buhay sa piling ng kanyang partner na si Philmar Alipayo kaya naisipan nitong makasama ang anak at mga apo.

Ang tanong, gayahin kaya ni Jaclyn ang ginawa ng kanyang anak na ginib-ap ang lahat ng  karangyaan at pati na rin ang kanyang showbiz career para sumama at manirahan na sa bayan ng kanyang partner ngayon?