Advertisers

Advertisers

Nadine nawalan ng career nang mahiwalay kay James

0 204

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

DAHIL nababalitang may afam na nobyo na si Nadine Lustre kaya enjoy itong mamalagi sa Siargao kung saan nakatira ang kanyang bagong inspirasyon. Imposible na raw na magkabalikan ang mag-ex na sina Nadine at James Reid.

Kahit pa hiwalay na ang dalawa,  may mga JaDine fans pa rin kasi ang nananalig na eventually ay sila pa rin ang magkakatuluyan sa huli.



Ito ay dahil sa kabila ng kanilang breakup noong nakaraang taon ay nananatili pa naman silang mabuting magkaibigan.

Gayunpaman,  muli na namang nawindang ang fandom ng dalawa dahil sa payanig ni Nadine sa kanyang social media account.



Binura na kasi ng aktres sa Instagram highlights niya ang photos nila ng dating love team partner.

Kasama na rito ang mga cute at sweet moments nila together as captured on camera.



Hirit ng ilang mahaharot na kibitzers,  pruweba lang daw ito na gusto nang mag-move on ni girl kaya babu na ito kay James.

Waley na rin daw ang pantasya ng mga faney na muli pang magkakasama ang dalawa as a love team lalo na’t matagal nang umalis si James sa poder ng Viva.

Ang natitira na lang daw na koneksyon sa kanila ay ang music label ni James na naging artist si Nadine.

Ito naman ang ilang komento ng netizens sa nasabing post.

“Magmula kasi nang lumayas si James sa Viva, parang nawalan na rin ng gana si Nadine sa kanyang karera.”

“Naku! kundi ba naman maagang nag-attitude, di mawawalan ng amor sa kanya ang Viva. Nauwi sa demandahan pero in the end, waley din naman siya.”

“Flop iyong huling movie niya without James. Ewan ko lang kung may career pa siya after James.”

“Nakapanghihinayang dahil isa ako sa follower ng kanilang love team. Nandiyan pa ang Kathniel at LizQuen, pero sila buwag na talaga.”

“Puwedeng-puede pa naman silang magkaroon ng maraming collab sa Careless Music label ni James.”