Advertisers
MATAAS ngayon ang naitalang bagong recoveries ng COVID-19 batay sa inilabas na case bulletin ng Department of Health (DOH) na nasa 45,249 nitong Linggo, Oktubre 3.
Sa kabila nito mayroon namang 13,273 na bagong kaso ng sakit.
Ang pumanaw naman ay nadagdagan din ng 112.
Dahil sa mga bagong karagdagan, ang kabuuang kaso ngayon ng COVID-19 ay 2,593,399; ang recoveries ay umabot na sa 2,442,623 habang nasa 38,768 ang namamatay.
Patuloy namang bumababa ang aktibong mga kaso na nasa 112,008 na lamang ngayong Oct. 3.
Paalala ng DOH, inaasahan pa rin ang delay ng paglabas ng case bulletin sa susunod na mga araw dahil sa technical issues sa COVIDKaya.
Patuloy naman nakikipag-ugnayan ang DOH sa DICT upang maresolba ang nasabing problema. (Jocelyn Domenden/Andi Garcia)