Advertisers
KINUMPIRMA ng tagapagsalita ni Bise Presidente Leni Robredo na sa Oktubre 8 pa ito magdedesisyon hinggil sa plano nito sa halalang 2022 .
Sinabi ito ni Atty. Barry Gutierrez matapos na mapaulat na sinabi ni Brother Armin Luistro, convenor ng 1Sambayan, na tinanggap na umano ni Robredo ang kanilang nominasyon sa kanya bilang standard bearer ng coalition.
Mariing itinanggi rin ni Gutierrez ang napabalitang pagtakbo ni Robredo sa Camarines Sur makalipas na inilipat nito ang kanyang voter’s registration sa Magarao, Camarines Sur mula Naga City.
Kamakailan lang, inanunsyo ng 1Sambayan na napili nila si Robredo bilang kanilang presidential candidate pero nilinaw ng bise presidente na wala pa siyang pinal na desisyon hinggil dito.
Nanawagan pa nga si Robredo sa publiko na tulungan siyang ipanalangin ang usapin na ito. (Josephine Patricio)