Advertisers
GOOD news sa larangan ng sports sa bansa.
Patuloy ang pagsulong ng pambansang palakasan sa Pilipinas at op kors ang ibang aspeto tulad ng sa kalusugan , edukasyon at kapayapaan dahil sa posibleng paglawig pa ng nasasakupan ng paglilingkod ng manggagaling sa lehislatura tungo sa ehekutibong sangay ng pamahalaan matapos ang napakahalagang desisyong- politikal ni Senator Bong Go.
Personal na sinamahan kamakalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang long-time na kanang kamay niyang si SBG upang maghain ng kanyang CoC para sa pagka- bise presidente sa susunod na taong presidential election.
Kasabay ng pag-endorso ni PRRD kay SBG ang pag-anunsiyo ni Digong ang pagreretiro na niya sa politika.
Kumpara sa lahat ng tumatakbo, si Go lang ang may patunay ng kanyang katapatan at malasakit bilang lingkod -bayan , malayo man o nasa kabilang kanto na ang halalan. Wagi ang sambayanan at panalo ang sports kay Go dahil bisyo na niya ang mag- serbisyo.
Sa kaganapang ito sa political landscape natin , marami pa ang posibleng mangyari kung Go or not to Go..pero sigaw ng nakararami..GO BONG GO !..Abangan!
DITO lang sa Pilipinas maraming kabalbalan ang kinukunsinte kaysa kinakastigo.
Sa hanay ng mga mambabatas sa Upper Chamber ng Kongreso sa kasalukuyan,sa ‘Pinas lang mas maingay ang minorya keysa mayorya.
Ang minority lang ang makakapal ang apog na baluktutin ang totoo sapaw ang mas lamang sa numero.
Sila rin ang hayagang tagapagtanggol sa mga kalaban ng pamahalaang kinabibilangan nila. Partikular dito ang pagkampi sa mga pesteng makakaliwang pulahan na pahirap sa bayan.
Sila din ang malayang tumawag ng estupido sa isang taga- gobyerno na nagtatrabaho lang para sa bayan pero pag ibabalik sa kanila ang maanghang na salita ay magsisisigaw na hindi na raw iginagalang ang kanilang institusyon.
Saan ka makakakitang Mataas na Kapulungang ipapatanggal ang pondo ng isang task force na may misyong tatapos sa higit 50 taon nang insurgency sa kanayunan gawa ng mga teroristang pulahan. Nakahatak pa ng bilang ang mga putek na salot sa lipunang dilawan.
Dito lang nagka-Senador na ipinagmalaki ang 24 na taon na niyang nagtulog lang sa posisyon, na noong panahon nila ay nanamantala ng para kay Juan pero sa kasalukuyang Chamber ay sumakabilang-buhay este bakod ang kanyang hanay at pumapel na oposisyon kaya puro banat at pambibintang sa administrasyon tampok ang pambabastos sa mga iniimbitahang resource persons sa kanilang hearing in aid of legislation kuno pero in aid of election pala pabor sa pinuno ng blue ribbon committee na inaabuso na ang kanilang kapangyarihan.
Kinalimutan na ang obligasyon sa bayan.Dito lang sa Pilipinas na ang media na dapat ay ‘exponent of country’s progress’ ay ang mga pesteng salot ang kanilang binabanderang bentang balita. Palaging ang oposisyon ang kanilang hina- highlight para siraan at ibagsak ang gobyerno.
Sila (oposisyon)rin ang nagdarasal na matigok ang kasalukuyang Pangulo o kaya’y bantaang ipakukulong kahit napakalapit na ng eleksiyon.
Alam kasi nila no- match sila sa balota sa mga i-endorso ng administrasyon. Dapat nang mawala sa susunod na August Chamber ang mga ganitong uri ng halal ng bayan walang ginawa para sa kapakanan ng taumbayan dahil puro pamumulitika ang ginawa,anim na taong singkad iyan. Kilalang – kilala nyo na sila mga kakorner.Huwag na natin silang ibalik sa poder.
Ilagay natin ang mga karapat-dapat.Huwag na iyong mga pamilyar lang na pangalan sa pulitika,sikat lang na celebrity, mambabatas na mambubutas lang ng silya pati mambabastos sa plenaryo,makakaliwa, tutulug-tulog ,mga trapo,ibasura ang mga balimbing at itanghal ang mga may dangal. Marami sila,kailangan lang maihalal.
Kapag iyong mga karapat-dapat lahat ang mga naluklok sa Senado,magbubunyi ang sambayang Pilipino .Doon ay maipagmamalaki na natin..ONLI IN DA PILIPINS!