Advertisers

Advertisers

Madam Inutz pasok na housemate sa Bahay ni Kuya

0 234

Advertisers

Ni JULIET Q. PACOT

SA bahay rin kaya ni “Kuya” ay kayang magmura ni Madam Inutz?

Ito ngayon ang tsika sa apat na sulok ng showbiz matapos kumpirmahin ang pagpasok ni Madam Inutz sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10, kung saan ito naman ang kanyang guguluhin at lilikha ng ingay



Hindi na talaga maawat ang pagsikat ng maingay na online seller.

Masayang inanunsyo ni Madam Inutz na pasok siya sa PBB Kumunity Season 10.



Sa kanyang post, sinabi niyang isa siya sa mga official housemate ni Big Brother sa bagong celebrity edition nito.

Sa kanya namang Kumu live, ipinakita ang kanyang paghahanda at pag-eempake sa pagpasok niya sa bahay ni Kuya.



Mula nang makilala dahil sa kanyang viral online selling, sunud-sunod na ang mga naging proyekto ni Madam Inutz.

Maingay nitong ibinalita sa kanyang viral online seller sa kanyang Facebook page na Daisy-Licious Ukay. “MGA INUTIL‼️ MAGBABAKSYON LANG MUNA AKO‼️ DAHIL PASOK TAYO SA OFFICIAL HOUSEMATE SA PINOY BIG BROTHER KUMUNITY SEASON 10 (CELEBRITY EDITION)”.

Dahil dito, marami sa kanyang fans at followers ang nagpahayag ng suporta sa kanyang pagiging official celebrity housemate.

Narito ang ilan sa mga komento: “Sobrang blessed mo Madam Inutz, sunod-sunod ang blessings mo” “Deserve mo yan Madam Inutz kasi mabuting ina, anak at kapamilya ka” “Support ka namin Madam Inutz, Go go go! Manonood kami palagi” “I’m so happy for you po, grabe umaapaw ang blessings at ang masaya, marunong kang i-share ito”.

“Congrats Madam Inutz! Next big winner na ‘yan!” Agad na nakilala ng publiko si Daisy Lopez o mas kilala bilang si ‘Madam Inutz’ ng ‘Daisy_licious Ukay’ dahil sa viral live selling niya na pumalo sa mahigit 15,000 ang viewers ngunit wala raw umanong nagma-mine sa kanyang mga paninda.

Noong Agosto 19, magkasamang nag-Facebook live sina Madam Inutz at ang kanyang manager at isa ring vlogger na si Wilbert Tolentino upang ibahagi ang kanilang contract signing.

Mula noon, sunud-sunod na ang mga proyekto ni Madam Inutz.

Kamakailan lang ay inilabas na ni Madam Inutz ang kanyang debut single na “Inutil” na mayroon pa siyang pa-dance challenge para rito kung saan Php100,000 ang mapapanalunan ng grand winner.