Advertisers

Advertisers

Catriona at Sam koala at panda ang tawag sa isa’t isa

0 256

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

GORA ang magsyotang sina Sam Milby at Catriona Gray sa Mauritius, East Africa para sa isang showbiz commitment na magkasama sila para sa guesting sa “Global Child” project ng Amazon Prime Videos.

Ang magsyota ang kauna-unahang Pinoy influencers na lalabas sa naturang international channel.



Sa ‘Travel with Purpose’ show hosted by Augusto Valverde, mapapanood ang episode ng dalawa, na ipakikita silang exploring and highlighting some of the amazing tourist spots in Mauritius while giving back to people in need.

“Sam Milby and Catriona Gray will be the First Ever Filipino Influencers to be featured on this show,” ayon na rin sa mga press release na pinalabas ng naturang show.



Kung sweetness lang ang pag-uusapan ay pasok sa banga ang pagiging sweet sa isa’t isa nina Catriona at Sam kaya kahit sa loob ng eroplanong nagdala sa kanila sa Mauritis ay tila honeymooners ang dalawa.

Sa kanya-kanyang social media account ay nagkomento naman ang dalawa sa kanilang mga larawang kuha sa loob ng airplane.



“Sooo excited to be seeing more of the world with my second favourite adventure buddy (first of course, is mama @mitagray)! Its been a long trip but such a relaxing and seamless one thanks to @emirates. Which part of the world are @samuelmilby and I off to for our first on-screen project together? Follow @globalchildtv for updates,” say ni Catriona sa kanyang caption.

Samantala, kung tinawag ni Catriona ang boypren na kanyang second favourite adventure buddy, tinawag naman ni Sam ang gf na kanyang koala sa caption nito.

“Off for an adventure with my Koala! When it comes to travelling, comfort is a priority but more so safety. Super enjoyed the trip to our destination and also felt very safe. Thanks @emirates. Excited for the week ahead!  @globalchildtv,” ani Sam.

Kung ang ibang couple ang tawagan ay love o mahal o kaya dad and mom, sina Catriona at Sam ay Koala at Panda ang tawagan sa isa’t isa.

***

MARAMI ang nagsasabi na tila mailap kay Starstruck Ultimate 6 Ultimate Female winner Klea Pineda ang kasikatan. Kahit pa sabihin na hindi naman siya nawawalan ng project sa kanyang mother studio, ang Kapuso Network. Nag-quit na sa showbiz at tuluyan na nanirahan sa Australia ang Male Ultimate winner ng Starstruck 6 na si Migo Adacer pero si Klea ay tuloy lang ang laban para sa kanyang showbiz career.

Ngayon ay may isang serye na pagbibidahan niya kasama si Jak Roberto ang ginagawa ni Klea na walang takot siyang nagpakalbo o bald look. Pahiwatig lang ng young actress na palaban siya.

“Ever since, I was never the ‘favorite’ but I told myself that I’ll just keep proving myself and my worth. I know I can do it, I know I am enough. Kung kaya nila, alam ko na kakayanin ko din. Day 1 starts today!” say sa caption ni Klea sa kanyang larawan na kalbo ang peg niya.

Pagpapatuloy ni Klea, labis ang kanyang kasiyahan sa latest project na binigay sa kanya ng GMA7 together with Jak, ang “Stories from the Heart: Never Say Goodbye” ang kapalit ng episode nina  Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda, ang ‘Loving Miss Bridgette’.

“I can’t put into words kung gaano ako kasaya at ka-proud sa show na ito. Masasabi ko na ibinigay ko ang lahat lahat para dito! Salamat sa pagtitiwala at support system ng Team Never Say Goodbye! At sa mga taong nagbigay ng opportunity na ito sa akin, isang malaking thank you!”  dagdag na say ni Klea.