Advertisers

Advertisers

Ria todo-deny na may relasyon kay Joshua

0 287

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

HINDI na nga nagpakaipokrita si AJ Raval at umamin na rin ito sa pag-uugnay sa kanya kay Aljur Abrenica.

Naging close ang dalawa nang magsama sila sa project na Nerissa. Wala naman daw masama sa ginawang pag-amin ng anak ng aktor na si Jeric Raval.



Mahirap nga raw na magsinungaling pa si AJ.

Hayagan naman nitong inamin na true na nanliligaw sa kanya si Aljur.



Hindi pa nga pinangalanan noon kung sino ba ang bagong pag ibig ni Aljur.

Pansin din ang pics ni Aljur na nakahubad ang pang itaas habang nagkakape.



Napansin ang bintana na background sa pics ni Aljur. Ang bintana nga raw na ito ay pamilyar sa netizens dahil noong nag-vlog si AJ ay nakita na ang bintana  na yun.

Ayon sa netizens wala naman daw masama kung manligaw si Aljur kay AJ dahil wala na rin sila ni Kylie Padilla.

Dagdag pa ni AJ na old school ang style ng panliligaw ni Aljur sa kanya.

Dedma naman ang kampo ng ex ni Aljur sa bago nitong nililiyag.

Hmmmp!?

***

SA isang panayam kay Ria Atayde ay inihayag nito ang tunay na score sa status nila ni Joshua Garcia.

May kumalat kasing tsika na magdyowa na ang mga ito kaya naman nilinaw ng batang Atayde.

Inamin nito na close sila talaga ng binata.

At nagsimula raw ito nang makasama ni Joshua ang mudrakelz ni Ria na si Sylvia Sanchez sa The Greatest Love.

Simula noon nga raw ay naging close na ang dalawa.

Saad pa ni Ria na minsan na nga raw nila nakasama sa isang Christmas eve si Joshua.

Kaya natatawa na lang si Ria sa pagkaka-link niya kay Joshua.

Kaya naman pinagdiinan nito na magkaibigan lang sila ni Joshua.

At kahit kanino naman daw ay inili-link ang kayang name na tulad kina Dominic Roque at Marco Gumabao.

Magkaibigan lang daw sila ni Joshua pagdidiin pa ng aktres.

Well, well, well…’Yun na!