Advertisers
Nanguna sa ‘Pahayag survey’ sina dating Senador Bongbong Marcos at Senator Bong Go para sa presidential at vice presidential race.
Isinagawa ang survey ng Publicus Asia Inc. kung saan nakakuha ng 49.3% rating si BBM habang si senator Bong Go ay 23.6%.
Sinundan ni Vice President Leni Robredo na may 21.3% sa hanay ng mga naghain ng kandidatura sa pagka-presidente.
Nasa ikatlong pwesto naman si Manila Mayor Isko Moreno (8.8%), sumunod sina Senador Panfilo Lacson (2.9%), Senador Manny Pacquiao (2.8%) at Senador Ronald dela Rosa (1.9%)
Sa vice presidential race, sumunod si Doc. Willie Ong (19%) kay Go habang nasa ikatlong puwesto si Senate President Tito Sotto (17.3%).
Pang-apat naman si Senador Kiko Pangilinan sa 12.3%, sumunod si Buhay party-list Rep. Lito Atienza (2.6%).
May kabuuang 1,500 respondents ang sumagot sa isinagawang survey noong October 11 hanggang October 18, 2021.