Advertisers
KASUKLAM-SUKLAM ang ginagawa ng taong nasa kapangyarihan na ang tingin sa halala’y isang laro at hindi sagrado. Humaharap sa bayan upang hingiin ang basbas, ngunit sa takbo ng kaganapan sa politika masasabing ito’y laro na kung sino ang masasabing lamang ungos sa laban ito ang may ginawang panlilinlang sa bayan. Mistulang nagulantang ang maraming nag-aabang sa naganap na pagbisita ng isang alkalde sa lalawigan ng Cebu upang bumati sa kaarawan ng matalik na kaibigan na kamag-anak ng tumatakbo sa panguluhan.
Sa pagbisitang naganap, tila nagulo ang mundo ng media at pulitika na hindi malaman kung anong balita ang masasagap hingil sa balakin ng alkalde na ang tanging maipagmamalaki ang nanapak ng sheriff ng korte. Nagkaroon ng samut saring espekulasyon sa pagdalo nito sa kaarawan at ng mag post ng mga larawan ang mga miron na kasama sa piging, kasama ang talunan politiko at ang gobernador na makakalaban ni Ace Durano. Bagyo ang dating ng alkalde maging ang kaibigan na binigyan ng oras ng bisitang VIP upang bumati ng personal. Di usapin ang gastos o pera ang mahalaga’y ang pagkakaibigan, hindi nakontento sa pagbati ng pagtawag sa telepono na kailangang personalin at makasama sa mahalagang araw ang kaibigan na naghanda ng isang piging. Eh bakit sa Cebu at hindi sa Leyte?
Sa piging na naganap sa gitnang Visayas, maraming espekulasyon ang naglabasan sa pagkikita at pag-usap ng dalawang malaking pangalan sa larangan ng pulitika. Tila panakip lang ang piging sa pag-uusap na naganap upang itago ang tunay na layon o nagkataon lang ang pagkikita. Sa halip na luminaw ang tubig ilog na binabaan lalong lumabo o sadyang pinalabo ng hindi hugis ng kalaban ang porma ng usapan. At sa pagdating ng takdang araw na titinag ang tubig ilog, malalaman ng bayan ang hugis ng naganap na usapan.
Huwag asahan na maglalabas ng tunay na kaganapan sa piging, sa halip maraming pagtatago’t pagtangi ang sasabihin upang ‘di mabisto kung ano ang tangan ng mga ito. Sa ngayon, puro pagkukunwari ang maririnig na kung ano o sino ang ulo sa halalan at walang pagbabago sa takbo ng ibig nito. Habang naglalatag ng mga kailangan para sa halalan ’22, huwag asahan ng pag-amin ng isa man sa dalawang mapaglaro sa puntod ng taong bayan.
Upang maging kapani-paniwala ang drama sa gitnang Visayas, susunod sa kumpas ang mga alipores ng mga partido na tutugtog ng iisang musika batay sa pahayag ng among may sako-sakong salapi. Matitiyak na walang ibang tugtog ang magaganap subalit sa himig ng mga umaawit mababasa ang magiging pasya at ang napag-usapan. Hindi kakaiba ang galawang ito, galaw ng Inferior Davao Group (IDG) na halatang obvious na kahit ang bunsong anak ni Mang Jua’y basado ang galawang ito, kahit na anong pagtatakip ang gawin hindi maitatago. Minsan ng nabilog ang ulo ni Mang Juan at kumita na ang galawang IDG noon pang ‘16. Tunay na mapag-imbot at walang halaga ang kapakanan ng taong bayan, una ang sarili bago ang bayan.
Saan mang lupalop gawin ang pag-uusap hingil sa balakin, hinding hindi masosorpresa si Mang Juan dahil hindi kayo naging matapat sa bayan. Lahat ng pagbabalatkayo ang gawa habang ang mga Pilipino’y patuloy na naghihikahos sa pandemya, taas ng presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho lahat ng uri ng pahirap, at puro pasanin ang inyong ibinibigay sa bayan.
Mabibigla o masosorpresa si Mang Juan na kung sa pagpasok ng Nobyembre 15, 2021, hindi pagdedeklara ang alkalde ni ToToy Kulambo ng pagtakbo sa pambansang pwesto para sa ’22. Ito ang sorpresang inaabangan ni Mang Juan at masasabing iba ito sa lahi ng IDG. Ngunit hindi namumunga ang Durian ng Saging na gaspang o kapal ng mukha’y kasing tulad ng prutas ng una. Huwag mag-alala, kahit magpalit isip ang pambato ng IDG at pumalaot sa larangan ng pambansang halalan hinding hindi makakamtan nito ang liderato ng bansa na ihahain sa harapan.
Sa mga panlilinlang na ginawa sa bayan, tumatak na sa isip ng bawat anak ni Mang Juan na ang mapagkunwaring lahi’t wala ng puwang na muling mamuno sa bayan ni Mang Juan. Sino man sa dalawa mula Timog o Hilaga, ang nakaraan at ang kasalukuyan ang multo na dala na takot sa diwa ng bayan, tama na labis labis na, si Leni naman..
Sa trolls, hindi magkamayaw sa tuwa na ipinapahayag na narito ang dream team at tapos na kuno ang halalan sa pagsasanib ng dalawang talipandas. Habang sa kabilang dako ng usapan, nagpahayag ang alkalde ng lungsod na may Curfew na ini-endorso ang talipandas ng Norte sa pagkapangulo. Batid ni Mang Juan na tsinutsubibo siya ng mga ito at hindi magtataka na ang palabas ng mga ito’y hindi tanggap ng mama maging ng mga anak nito. Subalit mas mainam sa mapanlinlang na maghanda sa sorpresa na bubulaga sa kanilang harapan sa araw ng halalan.
Hindi malaki o kulang sa pondong panghalalan ng katungali ngunit huwag magpakasiguro dahil ang Pilipino ang magdadala sa panalo nito. Ang panggagago kay Mang Jua’y ganap at handang tapatan, ang sabi nga, kunin ang pera at iboto ang kursunada. Ito ang sorpresang nag-aabang sa katungali ng bayan. Bayan ang kumikilos para sa pagbabagong may pag-unlad na inaasam.
Sa ngayon, malinaw na malinaw na sinusubaybayan o minomonitor ang kilos ng kalimbahin na nagbibigay sa grupo ng talipandas ng sakit ng ulo kung paano ito isasagawa ang tulad na mga gawain ng ‘di mapulaan na nanggagaya. Kayang tularan o higitan ang mahahabang motorcade o caravan na inilunsad ng mga kalimbahin sa dami ng salapi na ginagamit upang umupa ng maraming sasakyan. Ngunit hindi ang kusang partisipasyon ni Mang Juan, mga anak nito’t kapit bahay na naghahanap ng tunay na pagbabagong may pagsulong. Ito ang mahirap tularan, ang kusang ambag ng taong bayan.
Walang hakot’ pananakot na nagaganap sa paglahok sa mga motorcade / caravan na idinaos. Ang kagandahan nito, pawang mga nakangiti’t nagbubunyi sa kilos ng pakikiisa para sa kagalingan ng bansang nasadlak sa dusa. Walang hiyawan ng panlilibak mula sa mga miron na nadadaanan bagkus pawang mga panghihikayat na ang inuusal. Kusa ang mga kilos na naglalarawan ng damdaming bayan na walang kasiyahan si Mang Juan sa kasalukuyang pamahalaan.
Hindi na mauulit ang pagkakamali ng nakaraan dahil sa dinanas na hirap sa kasalukuyan. Hindi hahayaang manumbalik ang nakaraang nakawan at bentahan ng bayan sa kamay ng mga singkit na dayuhan. Ang pagbabagong may pag-unlad sa lahat ang isusulong at ‘di sa iilan. Walang pasanin na aalalahanin sa kusang ambag ng bayan, konting tiis na lang si Leni Robredo na… at ito ang sorpresa ng bayan..
Maraming Salamat po!!!