Advertisers

Advertisers

Withdrawals, substitutions sa ’22 elections dadami – Comelec

0 235

Advertisers

INAASAHAN na ng Commission on Elections (Comelec) na dadami pa ang bilang ng mga kandidato na aatras sa kanilang kandidatura at makikipagpalit ng posisyon na tatakbuhan.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez ang ‘withdrawals’ at ‘substitutions’ ay maaring dumami sa mga naghain ng kanilang kandidatura para sa national positions.

“I think at the national level, that is a very distinct possibility,” pahayag ni Jimenez sa isang panayam sa telebisyon at dagdag niya; ” At the local level this is pretty common but at the national level this is sort of, as you said, unprecedented.”



Batay sa Comelec Resolution No. 10717, ang kandidato na namatay, umatras o nadiskuwalipika ay maaring mapalitan ng isang kapartido.

Hindi pinapayagan ang ‘substitution’ sa isang independent candidate.



Matatandaang nitong Martes, binawi ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa pagka-alkalde kaya’t lumakas pa ang hinala na tatakbo siya sa isang national position sa papalapit na halalan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">