Advertisers
PUSUAN si Sen. D5, isang anak na hinahanap ang yakap at kalinga ng ina , ina na naghahanap na mayakap at mahagkan ang anak na pinagkakait ng pagkakapiit sa matagal na panahon, abogado at dating kalihim ng Kagawaran ng Katarungan na nagpatupad ng patas na pagpapairal ng batas para sa lahat at isang senador na tumayo’t inilabas ang kabuktutan ng pamahalaan na nagtatago sa likod mismo ng batas. Kakaiba ang pusong Sen. D5 sa usaping bayan na kahit wala ang presensiya ng katawan kontra sa mga maling pagpapalakad ng Inferior Dabaw Group sa bansa naroon ang diwa at puso kasama ang maraming naghahanap ng katarungan. Nasa piitan ang katawan ngunit hindi mapigilan ang diwa na magpahayag ng mga usaping bagay na may tama sa puso ng mamamayan, lalo’t may kinalaman sa hustisya’t karapatan pantao.
Sa pagtayo sa katotohanan na may katarungan, bilang senadora, tinayuan ang usapin ng paglabag sa karapatan ng mga biktima ng EJK na may kinalaman kuno sa pagpuksa sa droga. Sa halip na ayudahan ang paghahanap ng katarungan sa mga biktima ng EJK, kumilos si Totoy Kulambo at inutusan ang Kagawaran ng Katarungan na sampahan ng mga gawa-gawang kaso sa tulong ng mga testimonya ng mga nakapiit na bilango kapalit ang mga pribilehiyo sa kulungan na siyang naging dahilan ng pagkakapiit ng butihing senadora.
Sa mga kasalukuyang usapin, hindi nawalay si Sen D5 sa pagseserbisyo kahit na ito’y nasa piitan, nariyan na tinatayuan ang usapin ng nawawalang child worker na pangalanan natin na Sally dahil sa pagkakasabit sa isyu ng paglaban sa pamahalaan na ang tunay na gawai’y proteksyunan ang karapatan ng bata at paglaban sa human trafficking na minsan ding naging kasapi ng ilang ahensya ng pamahalaan, at sa pagtataka’y kalaban na ng pamahalaan. Tinututukan ito ni Sen.D5 at patuloy na kinikilusan dahil ang adbokasiya ni Sally siyang tinitindigan ng senadora na nakasalig sa uri ng hustisya na pinaiiral sa bansa.
Sa totoo lang, nagpapantig ang tenga ni Totoy Kulambo sa tindig at boses ni Sen. D5 sa mga isyung legal dahil batid nito na may basehan ang mga akusasyon na ibinabato nito. Ang usapin ng EJK na pinangunahan ng senadora, napatigil ang imbestigasyon tila hinipan ito patungo sa ICC upang maging isang pandaigdig na usapin laban sa paglabag sa karapatan ng mga biktima.
Tunay ang adbokasiya ni Sen D5 laban sa lahat ng uri ng karahasan sa karapatan pantao, sinang-ayunan nito ang pag-withdraw ng isang Senate Bill na magtitigil sa pagdinig sa isang panukala sa pagpapataw ng death penalty. Dahil batid ng senadora na hindi patas ang kasalukuyang pagpapatakbo ng batas na kanyang karanasan, napapanahon ang pagpapatigil sa pagdinig at hayaan na ito sa ibang panahon. Maayos ang batas sa bansa subalit ang paikutan at gamiting kasangkapan sa pagpapatahimik sa kritiko’y tunay na salang gawa. Silipin ang kaganapan sa batas ng pagpapalitan ng mga kumakandidato sa darating na halalan, sino ang nasisilip na nakinabang?
Lubhang iniinda ni TK ang tindig Sen. D5 sa mga isyung legal, bilang abogado, batid nito na kailangang harapin ng head-to-head at baka hindi magtatagal maging magkakosa ang dalawa sa oblo. At siyempre si Sen. D5 mayora’t bastonero na pinagkakaiwasan ni TK, hehehe.
Ang nakapiit na Sen.D5’y hindi tumitigil na tindigan ang mga usaping legal na ginawang iligal ng pamahalaan para magpapogi sa tao na ginagawa kuno ang lahat upang magkaroon ng kaayusan at katahimikan ang bansa laban sa krimen. Patuloy na tinutukan at inilalabas ng senadora ang mga maling prosesong sinusunod na utos ni TK na sagutin na lang sa hukuman ang pagkakamaling kilos kahit sala upang ipatupad ang kautusan ng nakakataas. Hindi maitatago sa mapanuring senadora ang ganitong kilos dahil batid nito na ang kaayusan ng hustisya dapat ipatupad ng tama.
Masakit para sa senadora bilang mambabatas na makita na ang batas na kanilang ginagawa’y hindi napapatupad ng tama lalo’t ang mahihirap ang nagkakasala. Mariin ang pagkondena nito sa mapiling pagbibigay ng hustisya na may pagkiling sa kaibigan sa kabila na may paglabag na makikita, may ayuda mula sa IDG lulan ng pribadong eroplano na muntik ng makalusot, mabuti’t nasabat ng senate-sgt-at arms. Nadali ni PiSot.
Sa pangyayaring ito, hinihikayat ng butihing senadora na mag-isip si Mang Juan sa kung anong uri ng mga kinatawan na nais maging lider sa bansang ito. Ang panatilihin ba ang bansa sa kawalan ng katarungan at hayaan sa dilim at mapagmalabis na pamahalaan sa hindi mga kakampi? Pamahalaan na pinipili ang pagpapairal ng batas kontra sa mga kalaban at ang pagpapaikot sa batas para sa kakampi. Piliin Mang Juan ang kakatawan na tatayo para sa iyo, sa pamilya mo, sa kapitbahay mo, sa katrabaho at sa balana na kung magipit ito ang kusang lalapit at magtatangol.
Pag-ingatan ang layang pinagkaloob sa atin ng panahon na ipinagkait sa butihing senadora’y dahil hindi tumigil upang makamit ng bayan ang tamang hustisya ‘di lang para sa kanya kundi para sa ating lahat. Ang usapin sa darating na halalan na naghahanap ng tunay na katarungan, ang pagmamahal sa hustisya’y ang isyung nasa puso ni Sen. D5 ang siyang patuloy na babalikatin. Ang bukas na pagpapahayag ng suporta para sa hustisya’y hayagang pagsuporta sa adbokasiya ni Sen. Leila de Lima at lahat ng tumatakbo para sa tunay na hustisya.
Sa halalang darating, Mang Juan tumindig laban sa hustisyang nagpapagamit at ginagamit sa kagalingan ng mga mapagsamantalang sa bayan. Napakaraming anomalyang nagaganap subalit ang nasa poder ang sumasalag ng ‘di tamaan sa kaganapan. Ang pagtindig laban sa katiwalian ang siyang tindig at pintig ng puso ng mga kalimbahin sa pangunguna ng abalang pangulo. Ito ang dapat maibalik at dagdagan ng maitama ang ayos ng bansa mula sa pagkakasadlak. Ang tindig at puso ng kalimbahin ang siyang tindig ng butihing senadora, hustisyang at walang pinapanigan ng hindi talo ang bayan. Tumindig sa tama, tumindig ng Tindig Sen. D5, muling dalhin ang hustisyang Sen.De5 sa senado kasama ng mga kalimbahin ng abalang pangulo.
Maraming Salamat po!!!