Advertisers
SA mga delobyong nanalasa sa bansa, partikular na sa kinikiilalang SHOE CAPITAL OF THE PHILIPPINES.., bagyong ONDOY at mga pagbaha dagdag pa ang COVID-19 PANDEMIC na nagpadapa sa ekonomiya ng pagsasapatusan ay AARYA na ang PRESIDENT ISKO MOVEMENT OKSI – ISKO (PRIMO-ISKO) VOLUNTEERS MOVEMENT para sa pag-agapay na muling mapasigla ang naturang industriya.
Nitong nakaraang Sabado ng umaga ay dumayo sa KAPITAN MOY RESTAURANT, MARIKINA CITY ang mga.kandidato ng AKSIYON DEMOKRATIKO at nakipagtalakayan sa mga SHOE MANUFACTURER para maisulong ang pagpapasigla at pagpapaunlad sa mga sapatos na gawang Marikina.
Sa naturang okasyon ay pinangunahan ng mga personalidad na sina VICE PRESIDENTIAL CANDIDATE DR. WILLIE ONG; SENATORIAL BET MARAWI CIVIC LEADER SAMIRA GUTOC; LEGAL EXPERT SENATORIAL BET JOPET SISON; at si ENTREPRENEUR SENATORIAL BET CARL BALITA.., na ang mga ito ay naggarantiyang pagtutuunan ang SHOE INDUSTRY para makalikhang muli ng maraming empleyado sa mga pagawaan ng sapatos hanggang sa pagnenegosyo sa iba’t ibang.merkado sa ating bansa hanggang sa iba’t ibang mga bansa.
Naalala ko pa, bago nanalasa ang mga matitinding kalamidad sa ating bansa ay sumikat ng husto ang mga sapatos na gawang Marikina dahil bukod sa magagandang desensyo ay ang pagiging matibay na sapatos ang maririnig na komento ng mga taong nakapagsuot nito.
Lumakas ang export business ng mga MARIKINA SHOES, hinangaan ito sa iba’t ibang bansa dahil sa taglay na kagandahan at pagiging matibay na mga sapatos.., kaya naman itinuring ang MARIKINA bilang SHOE CAPITAL OF THE PHILIPPINES.., yun nga lang nang manalasa ang bagyong ONDOY ay nilubog ng baha ang halos.malakng bahagi ng lugar ang MARIKINA.
Nagsimulang muli ang mga magsasapatos sa kanilang mga paggawa, pero hindi pa man ganap na nakakabawi ang mga ito ay muli na namang nadelobyo ng matinding pagbaha…, at ngayon ay dumaranas pa rin sa matinding epekto ng LOCKDOWN dulot ng COVID-19 PANDEMIC.
Puhunan at mga naipundar na kagamitan sa paggawa ng mga sapatos ay halos nawasak lahat ng mga matitinding pagbaha ng tubig. Gayunman ay buong giting pa ring pinasimulang muli ng mga MARIKENYO ang paggawa ng sapatos katuwang ang naging pag-alalay ng kanilang lungsod at ng iba pang GOVERNMENT AGENCIES upang maibangon muli ang kanilang naging pangunahing industriya.
Sa naobserbahan kong okasyon nitong Sabado ng umaga ay nakakita ako ng magandang senyales para sa muling pagningning ng MARIKINA SHOE INDUSTRY sa pamamagitan ng inisyatiba ng iba’t ibang organisasyon tulad ng PRIMO-ISKO upang ganap na maitanyag ang pagnenegosyo ng mga sapatos.
Ika nga, kung manalo sa kandidatura ang koponan ni PRESIDENTIAL CANDIDATE ISKO MORENO ay maganda para sa kapakanan ng iba’t ibang industriya tulad ng SHOE INDUSTRY.., na, kung hindi man sila palarin sa NATIONAL ELECTION ay maging pangunahin pa rin dapat ang mga ito sa pagsuporta para mapalago at mapalakas hindi lamang sa produktong MARIKINA SHOES, kundi maisulong din nila ang lahat ng ating LOCAL INDUSTRY upang marami pang malikhang pangkabuhayan at mga pagpapatrabaho sa ating mga kababayan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.