Advertisers

Advertisers

Mukhang si Sara naman ang binibira ng tatay nya…

0 146

Advertisers

SA kanyang lingguhang “ulat sa bayan” nitong Martes ng gabi, isang babae sa Davao naman ang pinapatutsadahan ni Pangulong Rody “Digong” Duterte.

Galit daw sa kanya ang mga taga-Davao pati ang isang babaeng ito dahil wala siyang infrastratures sa lungsod o sa rehiyon.

Sino sa tingin ninyo ang babaeng tinutukoy dito ni Pangulong Digong? Hindi kaya ang kanyang anak na si Davao City Mayor “Inday” Sara Duterte-Carpio?

Si Inday ay running mate (Bise) ni Bongbong Marcos sa darating na Halalan ‘22.

Nauna nang pinatutsadahan ni Pangulong Digong si BBM. Bagama’t wala siyang tinukoy na pangalan ay maliwanag naman ang kanyang clue na isang anak mayaman, mula sa kilalang pamilya, presidential aspirant ang gumagamit ng cocaine. Hindi raw ito nahuhuli ng pulis dahil sa yate o eroplano ito humihigop ng cocaine. Weak leader daw ito, wala pang nagawa sa bayan kahit matagal na sa politika.

Kaya kaagad nagpa-drug test sa St. Lukes Hospital nitong Martes si BBM. Negative ang resulta!

Pero mas naunang nagpa-drug test si presidentiable Sen. Ping Lacson at running mate niyang si Sen. Vicente Sotto sa PDEA office mismo. Sumunod si presidentiable Sen. Manny Pacquiao. Negative din sila sa paggamit ng iligal na droga.

Pero sabi ni presidential aspirant Senador Bong Go, ang manok ni Pres. Duterte para sa pagka-pangulo, dapat ay buhok ang isailalim sa drug test. Tama!

Dahil negative sa paggamit ng cocaine ang presidentiable na tina-target ni Pangulong Digong, iba naman ang kanyang binira, babaeng taga-Davao naman. Na sa tingin ko ang pinatutungkulan ay ang kanyang anak sa orig na misis, si Inday Sara. Hehehe…

Sabi nga ni Mon Tulfo sa kanyang kolum, hindi magkasundo ang mag-ama. Si Inday Sara raw ay loyal sa kanyang ina, habang ang kanyang ama ay nakikinig lang kay… Posible nga. Dahil muntik nang naglaban sa Vice Presidential race itong mag-ama eh. Buti lang nakinig sa advice si Digong at Senador nalang ang takbo nito sa darating na eleksyon.

Balik tayo sa sinasabi ni Digong na wala siyang infras sa Davao. Hindi ito totoo… Dahil ang Davao ang nabig-yan ng pinakamalaking pondo para sa infrastractures, daang bilyong piso. Tama ba ako DPWH Sec. Mark Villar?

Kahit nga sa NTF-ELCAC, ang Davao ang binuhusan ng pondo para burahin ang mga rebelde sa lugar. You can check this… igo-google nyo lang, mga pare’t mare.

Anyway, ano man ang hidwaan ng mag-ama, wala na tayong paki doon. Basta si Pangulong Digong ang manok ay si Bong Go, at si Inday Sara ay kay BBM. At the end… mag-ama parin sila. Blood is thicker than water. You know!!!

***

Uulitin ko at uulitin pa… ang panawagan sa Intramuros Administration: Tapalan nyo naman ang malalaking lubak dyan sa harap ng BPI patungong Bureau of Immigration. Puros nalang kayo koleksyon, wala kayong maintenance sa kalsada. Marami nang sasakyan ang nasira sa malalalim na lubak dyan. Hindi nyo ba ‘yan nakikita, Atty.? Kailangan pa bang si Pangulong Rody Duterte ang magmando sa IA para matapalan ang mga lubak na dyan? Pukaw na mo!

Manmanan!

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More