Advertisers
PINAGSASAKSAK ng dalawang menor de edad ang 27-anyos na lalaki na ikinasawi nito sa Barangay Poblacion Lupon, Davao Oriental noong Sabado.
Kinilala ang biktima na si Vincent Sumaoy.
Ang mga salarain ay kinilalang sina alyas Mik-mik, 16; at alyas Ago, isa rin menor de edad.
Ayon sa ulat, mag-iinuman sana ang grupo kasama ang biktima ngunit na-badtrip ang dalawang salarin sa usok ng vape ni Sumaoy.
Dahil dito, pinagbubugbog muna ang biktima bago pinagsasaksak.
Dinala pa sa pagamutan si Sumaoy ngunit binawin din ng buhay kinalaunan.
Tumakas ang dalawang menor matapos ang pangyayari ngunit binagabag ng konsensya at sumuko rin sa mga pulis.
Nahaharap ang mga salarin sa kasong murder.