Advertisers

Advertisers

Judge pa naman sa Ms. U… Marian binabatikos, ‘di magaling mang-ingles

0 230

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

TUMULAK na papuntang Israel si Marian Rivera para tumayong isa sa mga hurado sa 2021 Ms.Universe.

Ayon sa Kapuso primetime queen, isang karangalan daw para sa kanya na maging miyembro ng inampalan ng naturang prestihiyosong beauty pageant.



Minsan lang daw ito mangyayari sa kanyang buhay kaya feeling niya ay magiging bahagi na ito ng kasaysayan.

Sa pagiging judge ni Marian, magiging kaliga na niya sina 2015 Ms.Universe Pia Wurtzbach at Tony-award winning Broadway actress Lea Salonga na naging mga miyembro rin ng panel of judges ng pandaigdigang beauty pageant noong 2017 at 2011.



Sa sagot sa tanong ukol sa mga katangiang hinahanap niya sa isang kandidata, sinabi ni Marian na nandoon daw siya para i-appreciate ang kagandahan ng mga kababaihan sa buong mundo.

Sa mga bumabatikos naman sa kanya dahil hindi siya magaling mag-ingles, ani Marian,  ayaw daw niyang magpakapretensyosa pagka’t Tagalog naman talaga ang kanyang native tongue.



Paniwala kasi niya,  mas nakahihigit na katangian ng isang hurado ang meron siyang “eye for beauty.”

Hirit pa ni Marian,  wish din daw niyang makadaupang-palad ang Israeli-born Hollywood actress na si Gal Gadot sa kanyang pupuntahan dahil faney siya ng Wonder Woman.

***

Mga nagwagi sa QCinema 2021, inanunsyo na

Inanunsyo na ang mga nanalo sa short film category ng QCinema International Film Festival 2021 na ang awarding ceremonies ay ginanap sa Novotel kamakailan.

Wagi ng Pylon award for Best Film ang “I Get So Sad Sometimes” ni  Trishtan Perez.

Ang LGBTQ short ay tumatalakay sa kuwento ng isang high school teenager na na-obsessed sa isang mas matandang lalake sa internet.

Sa short, ipinakikita ang panganib na dala ng social media sa mga kabataan.

Tampok sa regional short sina JC Santiago, Louie Caminade, Jhon Mark Tumimpad, Bensuccor Encong, at Janice Suganob.

Nanalo naman ng NETPAC Jury Prize ang short na Skylab ni Chuck Escasa na tumatalakay sa kuwento ng perspektibo ng mga batang laking ‘70s noong panahon ng Martial Law.

Nag-uwi naman ng Gender Sensitivity Award ang regional short na Ampangabagat Nin Talakba Ha Likol or It’s Raining Frogs Out ni Maria Estela Paiso.

Tinanghal namang Audience Choice Awardee ang “Mighty Robo V” nina Miko Livelo at Mihk Vergara.

Ang naturang pelikula ay isang “mockumentary” tungkol sa isang ahensya ng gobyerno na naatasang labanan ang giant monsters.

Ang iba pang shorts na kasali sa kumpetisyon ay ang Henry ni  Kaj Palanca at City of Flowers ni Xeph Suarez.

Ang bawat short ay pinagkalooban ng P350,000 production grant mula sa QCinema.