Advertisers
Ni WALLY PERALTA
SA darating na Kapaskuhan ay first time na magseselebreyt si LJ Reyes na hindi kasama ang kayang dating partner na si Paolo Contis.
Marami ngayon sa followers ni LJ ang interesadong malaman kung ano na ang magiging kalagayan ni LJ at ng mga anak niya ngayong sa Amerika na sila magdaraos ng Kapaskuhan at hindi kasama si Paolo?
Magiging mas malamig ba ang Pasko ngayon ni LJ lalo pa nga’t nagsisimula nang umulan ng niyebe ngayon sa States kung saan naka-base sila ng mga anak.
Sa kabila na hindi pa ganun kadali baguhin ni LJ ang mga nakasanayan na nila ni Paolo at mga anak na gawin pag may okasyon, pilit pa rin pinasasaya ni LJ ang sitwasyon.
“Realized it’s December already! We just got our tree yesterday and seeing all the lights and decors in the shop are wonderful and got me so excited and all giddy!
“What makes you excited about Christmas? As for myself, I think God’s salvation and redemption have never been more emphasized in our life this year. So I am very excited to just really worship Him from here on! Not just with songs and praises, but with the gift of life that God has given me! Can’t wait to celebrate Jesus with a renewed heart not just on Christmas day, but every single day of my life!”, say ni LJ.
***
MINSAN AY ISANG ALITAPTAP
SUPER happy ang bagong producer ng TTP Productions na si Teresita Tolentino Pambuan, ng pelikulang ‘Minsa’y Isang Alitaptap,’ bukod kasi sa magagandang review na nakukuha ng kanyang unang pelikulang pinrodyus ay nakatanggap pa ang mabait na producer ng isang award, ang Best New Producer Of The Year sa 2nd Southeast Asian International Achievement Award.
Excited din si Ms. Teresita sa playdate ng kanyang pelikula, ipalalabas ito bago pa man magsimula ang MMFF, at buong pagmamalaking sinabi pa ng prodyu na napakaganda ng kanilang pelikula na tila manonood ka ng isang entry ng MMFF 2021 na advance.
Maging ang mga artista ng ‘Minsa’y Isang Alitaptap’ ay pawang de-kalibreng aktor tulad nina Ms. Gina Pareno, Ms. Teresa Loyzaga with a special participation ng anak niyang si Diego Loyzaga, at Ron Macapagal, Bidaman finalist. Pwedeng pamaskong treat na movie para sa mga minamahal. Sundan lang ang mga sumusunod na hakbang.
Step 1: Go to KTX.PH and Book a Ticket.
Step 2: Wait for the Confirmation Email and
click on the link. Choose SEND AS A
GIFT to your family/friends. You’ll
need to input the recepients name and e-mail address.
Step 3: There’s customizable message content where you can leave a message for the one you’ll send the ticket to. 1 ticket per person.