Advertisers

Advertisers

PNP chief Carlos nagpositibo sa COVID-19

0 314

Advertisers

NAGPOSITIBO sa Covid-19 si Philippine National Police Chief Gen. Dionardo Carlos matapos na sumailalim sa swab test.

Ayon kay Carlos, sumailalim siya sa swab test kasama ang kanyang mga close in security, staff, at anak sa swab test matapos na makaranas ng lagnat ang personnel sa White House nitong Enero 2.

“Unfortunately, I too, tested positive including my duty driver and aide who were with me in the van Sunday morning,” ani Carlos.



“I experienced fever, chills and body sweats Sunday evening but come Monday 03Jan22, only lower back pain remains,” dagdag ni Carlos.

Sinabi ni Carlos na naipabatid na niya kay SILG Eduardo Año ang kanyang kalagayan at kasalukuyang sumasailalim sa quarantine.



Kaugnay nito, nakapagtala naman ng 107 ng mga kaso na nagpositibo sa Covid-19 sa hanay ng PNP.

Sa datos ng PNP, umakyat na sa 164 personnel ang nagpositibo sa covid-19 ang naitala mula noong Disyembre 28.



Umakyat na sa kabuuang bilang na 42,370 kaso ng covid-19 habang 42,081 naman ang gumaling habang 125 naman ang nasawi sa hanay ng PNP.

Nasa 215,916 PNP personnel o 95 percent ang fully vaccinated habang 8,702 percent ang naghihintay ng 2nd dose habang 1,492 o .66 percent ang unvaccinated. (Mark Obleada)