Advertisers
PINATAWAN ng preventive suspension ng Korte Suprema si Atty. Lorenzo Gadon na mas kilala bilang Larry Gadon.
Kasabay nito, pinagpapaliwanag ng SC si Gadon kung bakit hindi ito dapat patawan ng pinakamabigat na parusang disbarment.
May kaugnayan ito sa viral video ni Gadon noon kung saan minura at kung ano pang bastos na salita ang sinabi nito laban kay Raissa Robles matapos nitong tawaging tax evader si dating senador Bongbong Marcos.
10 araw ang ibinigay ng SC kay Gadon para magpaliwanag.
Inatasan din ng SC ang Office of the Bar Confidant na magsumite ng updated na listahan ng administrative cases laban kay Gadon.
Maging ang Integrated Bar of the Philippines ay inatasan rin ng SC na magsumite ng status report ng nakapending na administrative cases laban kay Gadon.
Matatandaang una naring sinuspinde ng SC si Gadon noong 2019 matapos maharap sa disbarment case. (Andi Garcia)