Advertisers

Advertisers

Bulacan, Rizal at Cavite Alert 3 narin

0 390

Advertisers

NAKATAAS narin sa Alert Level 3 ang mga probinsiya ng Bulacan, Cavite at Rizal mula ngayong Miyerkules, Enero 5 hanggang Enero 15 dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.

Ang nasabing paglalagay sa Alert Level 3 ng mga nabanggit na probinsiya ay resulta ng ginawang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang mga establisyemento ay papayagang mag-operate ng 30 percent indoor capacity sa mga fully vaccinated individuals at 50 percent sa mga outdoor venue capacity basta ang mga empleyado ay fully vaccinated na.



Pinagbabawalan naman ang face-to-face classes, contact sports, peryahan at casinos.

Ang mga trabaho naman sa gobyerno ay limitado lamang sa 60 percent sa kanilang onsite capacity.



Matatandaang nauna na ring isinailalim ng Malacañang sa Alert Level 3 ang National Capital Region simula noong Lunes, Enero 3 hanggang Enero 15.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">