Advertisers

Advertisers

‘Killer’ ng 10-anyos sa Cebu, arestado

0 179

Advertisers

Naaresto at umamin sa krimen ang salarin sa karumal-dumal na pagpatay sa babaeng 10-taong-gulang na nakita ang bangkay sa isang kuweba sa Talisay, Cebu. Ang killer, kamag-anak ng biktima.

Kinilala ang inaresto na si Ian Baculi, 18-anyos.

Sa report, naaresto si Baculi sa Barangay Campo Siete sa Minglanilla, Cebu.



Si Baculi ang itinuturo ng mga saksi na huling nakitang kasama ng biktimang si Kiara Namanama, bago nawala ng tatlong araw, at kinalaunan nakita ang bangkay sa isang kuweba sa Barangay Tapul, Talisay City.

Ayon sa pulisya, kaagad silang nagsagawa ng manhunt operation nang ituro ng mga saksi si Baculi at nagtangka pa raw tumakas nito nang aarestuhin.



Inamin ni Baculi ang ginawang krimen, at sinabing sinakal at nilunod niya sa sapa ang biktima, saka niya ginahasa.

Katatapos lang daw niyang maligo sa sapa nang makasalubong niya ang biktima at kaniyang sinundan.



“Parang hindi ko na siya nakilala. Bigla kong naisip na gawin ‘yon sa kaniya,” ayon kay Baculi na aminadong gumagamit ng ilegal na droga.

Matapos lunurin ang biktima, kinuha raw niya ang biktima, ginahasa at itinago ang bangkay sa kuweba na hindi kalayuan sa sapa.

Una rito, sinabing nadiskubre ang bangkay ng biktima na tatlo araw nang nawawala nang may makaamoy sa mabahong amoy na nanggagaling sa kuweba.

Sinabi ni Baculi na mag-isa lang niyang ginawa ang krimen. Humingi siya ng patawad sa kaniyang ginawa.

Nahaharap si Baculi sa kasong murder, at hinihintay pa ang resulta ng awtopsiya kung positibong ginahasa ang biktima.