Advertisers

Advertisers

Room guide magsoli nang napulot na P130K

0 36

Advertisers

PINURI ng kanyang superior at katrabaho ang 27-anyos empleyado ng isang hotel nang magsauli ng isang bag na may lamang pera sa may-ari nito sa Mexico, Pampanga.

Ayon sa room guide si Arjay Montemayor, pitong buwan pa lang siyang pumapasok sa nasabing hotel at kahit kapos hindi pumasok sa isip niya na angkinin ang natagpuang pera.

Aniya, nitong Enero 4 nang mag-checkout ang guest nila kaya pumasok siya sa kuwarto para maglinis.

Kwento ni Montemayor, nakita niya ang bag sa tabi ng isang mesa na kanyang itinurn over sa kanilang supervisor na siya namang nagbalik sa paalis na guest.

Nabatid na ang bag may lamang P130,000 na pampasweldo ng guest sa kanyang mga tauhan.

Sinabi ni Montemayor na kahit mahirap ang buhay dahil sa pandemya hindi niya naisip na kunin ang naiwang bag na may pera.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More