Advertisers

Advertisers

Police detachment, grinanada

0 60

Advertisers

Sumabog ang isang granada sa kahabaang ng national highway, Barangay Poblacion, Pikit, Cotabato Huwebes ng gabi.

Ito ang kinumpirma ni Pikit PNP Chief Police Major Maxim Peralta.

Sa imbestigasyon ng Explosive Ordnance Disposal Unit, lumabas na isang MK2 high explosive hand grenade ang inihagis at sumabog sa labas ng detachment ng Task Force Pikit, 7:30 ng gabi base sa mga grenade fragments na nakuha sa pinangyarihan ng insidente.

Wala namang napabalitang nasaktan o nasugatan sa nangyaring grenade throwing.

Isa naman sa sinisilip na anggulo ngayon ng PNP ang posibleng “retaliation” o paghihiganti na nauugnay sa nangyaring operasyon ng mga awtoridad noong December 29, 2021 sa Gokotan, Pikit na tinawag na Coplan Gokotan.

Kinumpirma din ng hepe na isang granada lang ang pinasabog at ang pangalawang pagsabog na narinig gulong ng sasakyan malapit sa pinangyarihan na sumabog dahil sa lakas ng impact.

Patuloy naman ang iniimbestigahan ng PNP ang motibo at ang nasa likod ng pagpapasabog.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More