Advertisers

Advertisers

Ninakaw na alahas kay Asec. Libiran, fancy; pinamigay ng kasambahay?

0 33

Advertisers

Nadakip na ang kasambahay na nanlimas ng mga alahas ni Transportation Assistant Secretary Goddes Hope Libiran.

Kinilala ang naaresto na si Marilou Morales a.k.a Malou, Marilou Fernandez, Marilyn Delos Reyes, Malou Mislang.

Bukod dito, natuklasan may iba pang reklamong pagnanakaw laban sa suspek na naka-file sa lalawigan ng Laguna.

Nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagtatago ang suspek sa Gueguesangen village, Pangasinan.

Agad namang nagtungo sa presinto si Libiran upang kausapin ang suspek.

Aabot sa P1.2 milyon ang kabuuang halaga ng mga alahas na nakulimbat nito.

Sa report, hindi kinaila ni Marilou na ninakaw nitong ang mga nasabing alahas at pera.

“Opo. Pero sabi ng pinagbentahan ko, fancy daw. Kaya pinamigay ko na lang lahat.

Kahit mga nakuha sa Cavite, Laguna, fancy… Pinamigay ko na rin lahat.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More