Advertisers

Advertisers

Isa pang DQ case vs BBM ibinasura ng Comelec

0 427

Advertisers

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang disqualification case laban kay Presidential aspirant Bongbong Marcos.

Ito ang kinumpirma ni Atty. Ted Te, abogado ng mga petitioners, at maging si Comelec Spokesman James Jimenez.

Ayon kay Te, maghahain sila ng motion for reconsideration at aapela sa Comelec en banc. Hindi umano sila sang-ayon sa desisyon ng Second Division na ang Items 11 at 22 na sinagutan ni Marcos sa kanyang Certificate of Candidacy (COC) ay false representation.



Samantala, ayon kay Jimenez, may lima pa na pending disqualification case laban kay BBM.

Hindi rin umano makakaapekto ang desisyon ng Second Division sa mga nakabinbin na kaso sa ibang desisyon dahil may kanya-kanyang desisyon ang bawat division.

Paliwanag pa ni Jimenez, kung hindi pa denied with finality ang disqualification case ay kasama pa rin sa iimprentang balota ang pangalan ni BBM.

Subalit kung madidiskwalipika si BBM bago ang May 9 elections, mananatili pa rin ang kanyang pangalan sa balota at ang boto na makukuha nito ay ituturing na stray votes.

Maari rin umano na mag-apply ang rules on substitution sa kaso ni BBM kung sakaling madiskwalipika bago ang May 9 elections, maari siyang palitan ng kahit sino basta ka apelyido niya, at hindi kailangan na maging kapamilya.

Sa isang banda, sakaling manalo naman si BBM subalit madidiskwalipika, ang mananalong Bise Presidente ang ipoproklamang Presidente, at hindi ang second placer.



“If that will be the case, nanalo siya, valid ang election, na-disqualify lang siya, therefore the law on succession will apply and the winning Vice President will succeed,” paliwanag pa ni Jimenez. (Jonah Mallari/Josephine Patricio/Jocelyn Domenden)